Chapter 58

111K 1.4K 141
                                    

Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, hindi ko maiwasang magalit sa sarili lalo’t higit sa mga naging desisyon ko. Inaamin ko sa relasyong ito, ako ang may pinakamalaking kasalanan. Kaya’t wala akong kaarapatang magalit o sumbatan man lang si Jess dahil ako, ako ang may pagkakamali. Siguro nga, tama lang itong nangyayari sa akin. Nasasaktan higit pa sa nararamdaman noon ni Jess.

Ilang araw na akong ganito simula nang magpasya si Jess na umalis sa bahay. Darating ako sa bahay nang nakainom o kaya lasing. Uuwi lang ako dito para matulog at kinabukasan ay aalis ulit. Maaga akong umaalis kahit na may hang-over ako. Parati kasi akong nag-aabang sa labas ng bahay nila Jess at nagbabaka-sakaling lumabas siya.

Okay lang sa akin, kahit hindi ko siya makita. Masulyapan lang sana. Pero sa ilang araw ko nang pabalik-balik dito ay nauuwi ako sa pagpunta sa bar para mag-inom sapagkat walang Jess, walang Jess na lumitaw.

Alam kong hindi magandang solusyon ang pag-inom, pero nais kong kahit saglit lang ay makalimot sa lahat nang katangahan na nagawa ko. Makalimot man lang kahit sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Bro, ang dami mo nang naiinom. Tama na yan!” Inagaw sakin ni George ang baso kong naglalaman ng alak.

“Hwag mo akong pakielama!” Inagaw ko naman ito pabalik.

“Ganito na lang tayo gabi-gabi! Ako ang nag-uuwi sayo! Ilang araw na ba, Andrei? Ikapangatlong araw na natin itong nag-iinom!” Medyo tumaas na ang boses ni George sa akin. Tinapunan ko lang siya ng matatalim na titig.

“Then go! I don’t need you!”

“Pero sa huli ako pa rin ang tinatawagan mo para sunduin ka kapag nalasing ka na!”

Tama siya. Bakit ko ba siya papauwiin kung sa huli ay siya rin lang naman ang tatawagan ko upang ipagmaneho ako pauwi? Umiling na lang ako.

“Bro, hindi solusyon ang pag-inom. Chase her!”

“How will I chase her if I don’t where she is?”

“Then go and find her! Hindi yung sinasayang mo ang oras mo at hapon pa lang ay nag-iinom ka na!”

Another point for George. Paano niya nasasabi ang ganitong bagay ngayong isa naman siya sa mga gagong lalaki na kilala ko? Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya!

“Hoy! Saan ka pupunta?” Ramdam ko ang pag-ikot nang aking mundo. Gaano na ba ako katagal na nag-iinom? Naparami na naman ang inom ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na patumba-tumba na ako.

“Gago! Alam na lasing na nagpupumilit pa rin! Ihahatid na kita.” Naramdaman kong inalalayan ako ni George para makalabas nang maayos sa bar. Salamat at may bestfriend akong gago! It may sound gay but I don’t care, he’s my bestfriend.

“Naku! Commute na naman ako pauwi nito kasi ako ang driver mo!” Rinig kong nagrereklamo siya. “Kung hindi ang kita matalik na kaibigan hahayaan na kitang mamatay kakainom.”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon