Chapter 36

169K 1.2K 146
                                    

“Baby, want do you want to be when you grow up?” Tanong ko sa anak ko habang iniipit ko ang buhok niya. Sobrang pawis na siya dahil sa kakalaro sa park kasama ang mga new found friends niya.

“I wanna be like you, mom. I want to be an Engineer someday.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi matapos ko siya puyudan. Hindi ko masabi kung sino ang kamukha niya. Yung mata niya, kuhang kuha sa ama niya pati ilong.

“Mommy, I’ll go ahead. We’ll spend time together soon. I love you, Mommy!” Dahan dahang nawala ang imahe ng batang kasama ko sa park. Hindi ko man lang maaninag buo niyang itsura, kung kanino kuha ang mga physical attributes niya.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking dibdib. Ayaw kong mag mulat kahit na gising ang diwa ko. Ayaw ko ng magising na wala na ang batang dinadala ko. Hayaan niyo na lang akong umiyak ng umiyak at hwag ng gisingin pa. Tama na ang sakit! Sobra na!

“She’ll wake up by now. You need to relax.”

“Doc, mag iisang oras na siyang tulog! How can I relax?” Rinig ko ang usapan sa loob ng silid na ito.

“Normal lang yun. Napapagod after the –“

“Hwag niyo ng ituloy ang sasabihin niyo, Doc.”

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Hindi ako katulad ng kwarto sa hospital. Hindi kulay puti ang bumungad sakin. Isang itong normal na kwarto sa isang bahay na may kulay blue na wall paint. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang tatlong tao na nag uusap malapit sa pintuan. Dumako ang tingin sakin ng lalaking doctor.

Nakita kong tinapik niya ang balikat ni Andrei. “She’s awake.” Agad na lumingon si Andrei sa gawi ko. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko kayang tingnan ang taong pumatay sa anak ko. Hindi ko masikmura na ang mismong ama ng anak ko ang kumitil sa buhay niya.

Ramdam ko ang paglapit niya samantalang ako ay nakatitig lang sa kisame. Hinawakan niya ang braso ko. Hindi ako umiwas. Kahit na hawakan niya ako ng paulit ulit, wala na akong maramdaman.

“Baby, how are you? I’m so –“

“Call my father and ask him to take me home.” Utos ko sa kanya.

“I’ll take you home, then. May work pa si Daddy –“

“Don’t you dare call my dad like that.” Wala siyang karapatang tawagin na Daddy ang sarili kong ama! Wala!

“Baby, I’m sorry but this is the only thing –“

“Mga walang hiya kayo! Mamatay tao!” Hindi ko na kinaya ang emosyon ko. Ito na lang ang naiisip kong paraan para mailabas ang lahat ng sakit. “Walang kamalay malay yung bata, pero pinatay niyo. Hindi man lang niya nasilayan ang ganda ng mundo at kung gaano kasarap mabuhay.” Kinagat ko ang ibabaw kong labi upang mapigilan ang paghikbi. Sige lang luha, lumabas ka lang.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon