Chapter 29

188K 1.3K 91
                                    

Naglunch kami together kasama sila Sir Gelo at Luke. Sila Jen, Jana at Ara ay nauna ng umalis kasi may aasikasuhin pa daw silang report nila para bukas. Nasa canteen kami sa bandang gitnang part. Round table ang napili namin na sakto lang para sa aming apat. Panay ang hawak ni Andrei sa bewang ko o kaya naman sa kamay ko simula pa kanina nung pinakilala si Luke samin. 

"Let's order. Nagugutom na ako. Treat ko!" Abot hanggang tenga ang ngiti naming tatlo. Kuripot kasi itong si Sir Gelo. Kapag kasama namin siya sa mga gala bihira siyang maglabas ng pera at kung maglalabas man siya ng pera ay sakto lang para sa sarili niya. Kaya ngayon abot tenga ang ngiti namin.

"Aba Sir! Anong nakain niyo at magwawaldas kayo ng pera? Nagulo ba ang patas?" Tatawa tawa pa si Andrei habang tinatanong niya si Sir. Hinampas ko ng mahina ang kanyang dibdib dahil sa biro nya, baka kasi mamaya magback out pa si Sir sa panlilibre niya.

"Sir para makompleto, kayo na rin po ang mag order. Thank you Sir." 

 

"Nilulubos lubos niya ang kabaitan ko ngayong araw ha." Iiling iling si Sir at walang nagawa kundi dumeretso sa counter ng foods para mag order para samin. Medyo mahaba ang pila but since faculty si Sir dito, may access siya sa loob at nauna siya sa iba.

Habang nag aantay kami kay Sir ay nagkwentuhan kami kahit papaano nila Luke. Nakalagay ang braso ni Andrei sa balikat ko. Napag alaman namin na isa pa lang Business Ad student si Luke at graduating na siya.

"Kung kelan naman graduating ka bro, tsaka mo naisipang tumakbo for VP?" Tanong ni Andrei. Kinurit ko ng bahagya ang hita niya dahil sa tanong niya. Baka mamaya kung anong isipin ni Luke at maiba ang interpretasyon nito sa isip niya.

 

"Matagal na akong nililigawan ni Sir Gelo na tumakbo, actually he wants me to run for President. But I refused. Masyado pa akong bata noong mga panahon na yun. Imagine 2nd year pa lang ako noon." Kwento ni Luke.

 

"My girlfriend became president at her 2nd year here at the University."

 

"I know. Kaya nga noon pa man humanga na ako sa kanya cause she has the guts na wala ako."

Naramdam ko ang paghigpit ng akbay ni Andrei sakin. Mas lalo akong napalapit sa kanya. Isang ngiti na lang ang ibinigay ko sa sagot ni Luke.

"I really admire you from the start." Nagulat ako sa pagiging straight forward ni Luke. Sinabi nya ito na tila wala si Andrei sa harap niya at ako lang ang kausap niya. Tinanggap ni Andrei ang kamay niyang nakaakbay sakin. Agad kong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. Napatingin siya sakin at nakakunot ang noo.

 

"Thank you Luke for admiring me." Nakangiting sagot ko sa kanya. Napailing na lang si Andrei at walang nagawa kundi mag relax sa kanyang upuan.

"I like you actually from the start. Sa kampanyahan nakikita na kita noon pa man at --"

"What the fuck dude!" Nabigla ako sa biglang patayo ni Adrei at pagbitaw sa kamay ko. Agad niyang kinuwelyohan si Luke dahilan para mapatayo ito. "Parang hindi mo kaharap ang boyfriend ah kung hindi ka makapagsiwalat ka ng pagkagusto mo sa kanya."

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon