Chapter 22

201K 1.2K 17
                                    

Mactan International Airport.

Cebu. Cebu. Cebu. Finally, we've met. First time ko dito at magfe-feeling torista talaga ako dito. With mmy shades on a cute white dress pair with pink doll shoes. Ang ganda. Maaliwalas ang kapaligiran. Tila ang linis linis ng hangin ditoo. Sana andito si Andrei. Eh di sana parehas naming nakikita ang nakikita ko ngayon.

Speaking of Andrei, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko upang itext siya. Magagalit yun kapag hindi agad ako nagtext at baka pumunta yun dito sa Cebu. Text na lang muna kasi siguradong kapag tumawag ako sa kanya ay mamayang hapon pa niya ibaba at tatapusin ang tawag. Lumalaki ang bill ko.

To: Andrei <3

Cebu bound, baby. I miss you already.

I love you :*

Sumakay kami ng taxi papunta sa hotel na tutuluyan namin. Ang ganda! Nakakapanibago. Toristang torista ang peg naming lahat. Maliban na lang kay Sir na pang-limang beses na niya dito. Dito daw naka-base yung parents niya at business nila. Baka sa mga susunod na araw ay dalawin namin ang mga ito.

From: Andrei

Can't take my lunch. Go home :(

I miss you more, baby. I love you :*

Be safe.

Simpleng text lang niya pero parang gusto ko ng umuwi sa kanya. Kinilig naman ako sa text ni Andrei. Pero naisip ko rin na gusto ko tong namimiss namin ang isa't isa. Lumalabas kasi yung soft side niya at mas nakikilala ko siya. At mas minamahal ko siya.

Dumating kami sa venue ng convention na gaganapin at dun din  pala kami magche-check in. Sa Shangri-La Mactan Resort. 5 Star Hotel and Resort in Mactan Island Cebu. Kung makikita mo ito, para kang nasa ibang bansa sa ganda. Good ambiance din. Kami ni Yassi ang magkasama sa room, at yung dalawang lalaki naman sa kabilang room.

Hindi naman kami masyadong napagod sa byahe since malapit lang naman ang Cebu kapag naka-airplane. But since gusto naming namnamin ang room, nagpahinga na rin kami.

"Friend! Ready ka na sa swimwear mo? Excited na ako sa resort ng hotel na to." Masayang sabi ni Yassi habang nagbibihis ng isusuot niya sa resort. Hapon namin naisipang bisitahin ang resort ng hotel. Kinatok kami ni Sir Gelo kanina upang sabihan kami na maghanda.

"Damn! Andrei! Wala talaga ang mga two piece." Bulong ko habang hinahalikwat ko ang maleta ko pati na rin ang bag kong dala. Syet! Tinanggal nga talaga ni Andrei ang mga two piece na inihanda ko kahit sa shoulder bag kong malaki wala man lang akong naitago. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext.

To: Andrei

Damn! Hinalungkat mo talaga ang maleta't bag ko.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now