Chapter 28

189K 1.2K 45
                                    

"Miss President! Ang dami ng nag aabang sa pagdating mo sa registrar's office." Bati sakin ng isang faculty ng school.

"Maingay pa rin ang pangalan mo sa mga gustong maging president."

Ngayong araw ang file of candidacy for the aspiring Student Association Officer. Matatapos na ang first sem kaya matatapos na rin ang one year term namin. Hindi ko alam kung tatakbo ulit ako bilang presidente. Maraming nanliligaw sakin na tumakbo ulit at sumama sa kanilang partylist. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag decide.

Half of my desicion says 'go for it, run again' but the other half doesn't want me to run. Mas makakapagfocus ako sa pag-aaral kung hindi ako tatakbo ngayon bilang presidente, well at the same time mababawasan ang mga hawak kong position at mga meeting na kelangan kong puntahan.

"Inaabangan ka na dun, Jess." Sabi ni Jana sa kalagitnaan ng lunch namin.

"Anong desisyon mo?" Tanong naman si Ara. 

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko. Kahit ako naguguluhan sa isip kong ito. Ano nga bang nangyayari sakin?

"You've changed. Nag iba na ang priority mo. And I'm happy for that." Nakangiting sabi ni Jen sakin. Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko si Ma'am Chely na nakangiti sakin. Siya ang nag aayos ng mga file of candidacy ng mga estudyanteng gustong maging SA officer.

"Nakaready na yung papel at ballpen mo doon. Ikaw na lang ang iniintay. Alam mo bang may bagong ite-team up sayo na Vice President?" Nagulat ako sa tinuran ni Ma'am. Alam kong may halong biro ang sinabi niya but still I know half of it was true. So ibig sabihin hindi na tatakbo ang si Mj bilang VP. Siguro kasi last sem na nya after this at gagraduate na siya.

 

"Bagong team up po? Sino daw Ma'am? I'm still thinking Ma'am if I'm going to run again for president. Undecided."

 

"I see. But this new tandem will surely be great. Magaling din daw kasi yung iteteam up sayo. Plus sobrang ganda ng feedback ng mga students ng university sa pamamahala mo. They like you as their leader." Isang tipid na ngiti ang binigay ko Ma’am Chely. Umalis na siya at nag order ng pagkain niya.

“Well, ngayon ka lang ata nahirapan magdesisyon. Anyways, saan na ba yung hottie boyfriend mo? Dapat andito siya para bigyan ka ng mga payo.” 

 

“Tama ka dyan Jen. Baka lumalandi nay un—“

“Sinong lumalandi?” Tanong ng nasa likuran namin. Kilala ko na agad kung sinong nagsalita kaya hindi na ako lumingon samantalang sila Jen, Jana at Ara ay sabay sabay na lumingon. Natatawa ako sa reaksyon nilang tatlo. Hindi ko alam kung may kasama bang pagnanasa ang mga titig nila kay Andrei.

 

“Wala Andrei. Wala. Have a seat. Kanino mo gusting tumabi? Kay Jana, Jen or sakin?” Lalo akong natawa sa tanong ni Ara. Kaya mahal na mahal ko mga ito eh.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now