Chapter 2

246K 1.6K 35
                                    

Dahil sa lakas ng tama ng alak sa akin, hindi ako makapag isip ng maayos. Kahit ang aking paglalakad ay hindi maayos. Pero sino ba siya?


Paano na lang kung isa pala siyang rapist? O kaya magnanakaw? Or worst baka isa siyang mamamatay tayo at kunin niya ang internal organs ko at ibenta sa iba't ibang tao. Gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang magkapamilya at makita ang paglaki ng aking mga anak.


Kahit na malakas ang tama sakin ng alak, nagawa ko pa isipin ang ganoong tanong. Sa daming pumapasok na posibilidad kung anong klaseng tao siya, hindi ko na namalayan na huminto na pala kami.


Nagulat na lang ako ng bigla kaming nagpunta sa madilim na lugar. Rinig ko ang tunog ng paglock ng pinto. Tunog ng lock ng pinto? Damn! Positive! It's either rapist siya or killer para kunin ang mga internal organs ko! Usong uso pa naman ang mga ganitong balita.


Nagulat ako nang  bigla na lang akong tinulak ng lalaking ito sa pader at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Agad akong napamura sa ginawa niya. Shit! Ano ba ang nangyayari? Katapusan na ba ng buhay ko? Dito na ba ako magtatapos? Pero hindi maaari! Marami pa akong pangarap!

"Diba sabi ko sayo huwag kang makikipagsayaw sa iba?" Ani ng estranghero sa akin. Nagtaka naman ako sa tinuran ng lalaking ito. Alam ng mga friends ko na hindi ako napunta ng bar kaya hindi naman nila ako napagbabawalan na makipagsayaw sa ibang tao.

"Huh? Anong pinag sasasabi mo? H-hindi naman kita —" Napasinok ako dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. Isa na ito sa epekto ng alak!


Isang malamig na daliri ang humaplos sa aking mga labi. Mas lalo akong natigilan sa pagsasalita. Pero ano bang pinagsasasabi ng nilalang na ito? Hwag makikipag sayaw sa iba? Wala naman akong matandaan na may nagbawal saken nito. Wala talaga! At ngayon lang ako nakapag-bar. Plus, hindi ko talaga siya kilala.


Sa sobrang lapit niyang magsalita sa mukha ko ay amoy na amoy ko ang hininga niya. Hindi ito amoy alak at mas lalong hindi ito amoy sigarilyo. Siguro ay kakarating lang niya sa bar na ito. Pero gwapo rin kaya ito? Napangiti ako sa katangahang iniisip ko. Nasa bingit na nga ako ng kamatayan, nagawa ko pang magtanong kung gwapo ang taong ito.


"Ssshh." Pigil niya saken. Hinalikan niya ako sa noo dahilan para mapasandal ang aking ulo sa pader. Gustong-gusto ko siyang itulak dahil sa paghalik niya sa akin ngunit may nadali akong bagay sa pader. At sa isang iglap lang, lumiwanag ang paligid kung saan kami naroroon.

Napatingin sakin ang lalaking kasama ko ngayon. From his hair, eyes, nose, lips and down to his broad shoulders, you'll conclude na lalaki talaga ang kaharap ko ngayon at hindi bakla. Saka pa nag-sink in sakin ang lahat matapos ko siyang titigan. Nanlaki ang kanyang mga mata. At biglang...


"Aaah! Sino ka?!" Sigaw niya sa akin. Para siyang napaso dahil bigla siyang dumistansya sa akin. Ako na nga itong nakaladkad niya, siya pa ang may ganang sumigaw at magtanong.


"Sira ba ang ulo mo?" Lumapit ako sa kanya at tinuktok ko ng mahina ang ulo niya baka sakaling magising siya. Laking pasalamat ko kasi nakalakad pa ako ng maayos papalapit sa kanya.

"Ikaw nga i-itong kumaladkad sa akin! Ikaw ang SINO! *hik*" Bulway ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa hilo. Ako ang mas may karapatang magtanong at sumigaw sa kanya sa oras na ito dahil napalayo ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan!


"Sorry miss. Akala ko kasi —-" Nakapamot siya sa ulo niya at halatang nahiya sa mga inarte niya kanina.


"Akala mo sino? Akala mo artista? Hoy mister, marami ng taong napagkakamalang artista ako pero —-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Nakaramdam ako ng matinding hilo at tila umiikot na ang paligid ko. Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko at nagdadalawa na siya sa paningin ko. Shit! Alcohol and its effect. Napahawak ako sa ulo ko at nagdilim ang paligid.



His POV

Agad kong sinalo ang babaeng nahila ko kanina. Nawalan siya ng malay marahil gawa ng alak. Kitang-kita mo sa kanya ang epekto ng alak dahil mamula-mula ang pisngi nito at sa galaw niya kanina. Mestisya siya kaya halata ang pamumula niya. 


Tama siya, mukha nga siyang artista. Makinis ang balat nito, matangos ang ilong at ang nipis ng mapupula niyang labi. Hindi ko alam kung dahil ba sa lipstick o natural ang labi niya. Makikita mo rin ang malalantik nitong pilik-mata kahit nakapikit siya.


"Hey, Miss! Wake up. Hey!" Mahina ko siyang pinapalo sa kanyang pisngi para magising siya. Kelangan niyang magising dahil wala akong alam ni isa tungkol sa kanya. Lalo na ang address nito na maaari kong pagdalhan sa kanya pauwi.


Ngunit kahit anong gawin kong gising sa kanya ay hindi siya magising-gising. "Shit! Gumising ka naman oh! Wala akong planong mag alaga ng lasing. Hey..." Kahit na medyo nilakasan ko na ang pagtapik sa pisngi niya, wala pa rin talaga. Yinugyog ko na rin ang balikat niya, pero hindi talaga siya magising.


Naisip kong iwan na lang siya dito pero nakokonsensya ako. Baka kung anong mangyari sa kanya at magalaw siya ng kung sino-sino. Hindi safe ang lugar na ito para pag-iwanan ng isang katulad niya.


Nag-isip ako ng paraan para magising siya ngunit ang tanging pagbuhat lamang sa kanya ang nagawa kong paraan. Inayos ko ang tayo niya sa aking likuran para hindi siya mahulog habang papunta kami sa parking area.


"Miss, wake up. Ang bigat mo ha! Saan ka ba nakatira at ihahatid na kita?" Useless ang pagtatanong ko pero nature nang isang lasing ang magsalita ng kung ano-ano. Kaya naman nagbabaka sakali ako na mabanggit niya ang tirahan niya.


Bakit ba ako hablot ng hablot ng kung sino! Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote ko? Akala ko naman kasi siya! Ayan puro ka akala, Andrei! Tingnan mo ngayon ang napasok mo.


Tiningnan ko ang mukha niyang nakapatong sa balikat ko. Payapa ang itsura nito. Bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko, buti na lang hindi ko siya nabitawan.

"Henry, ang bango mo pa din..." Inamoy amoy niya ang damit ko. Pagkatingin ko sa kaya at nakapikit siya habang nakangiti. Kitang-kita ko ang magaganda at mapuputi niyang ngipin.

"Miss, hindi ako si Henry. Sabihin mo na lang ang address mo para maiuwi na kita sa inyo." Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng kotse ko. Ingat na ingat ako sa pag-abot ng susi sa aking bulsa sa takot kong mahulog siya. Pinatunog ko ang sasakyan at saka ko siya binaba sa passenger's seat. 


Wala naman yata akong makukuhang impormasyon tungkol sa kanya, napagdesisyunan ko na sa condo ko na lang muna siya patuluyin.


-----

FB: Delphanie WP
IG: delphanie16


Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now