Chapter 27

186K 1.2K 68
                                    

Late na nang makauwi kami ni Daddy sa bahay. Mga past 10pm na kami nakarating. Hindi naman ako tinanong ni Daddy kung anong nangyari sa date namin or kung magkaaway ba kami. Siguro alam na nya yun, Dad's instincts kumbaga. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa bahay.

"Jessica." Tawag sakin ni Daddy. Nasa likuran ko siya kaya humarap ako sa kanya.

"You two, better talk. Mas mabuting napag uusapan ang mga bagay bagay. Magpahinga ka na muna at bukas sa after school ay mag usap kayo." 

 

"Yes Daddy." Sagot ko sa kanya.

" You rest, honey. Good night." And he gave me a good night kiss.

Tama si Daddy kahit siguro galit ako or galit si Andrei kelangan naming mag usap para maging malinaw ang lahat. Oo, galit ako. Galit ako kasi hinahanap ko siya samantalang nagpapakasaya lang siya. Tila okay lang sa kanya lahat ng nangyari at balewala. Hindi man lang siya naglaan ng oras para hanapin ako.

Pinahatid ako ni Daddy sa driver namin papuntang school. Kahit may sarili akong sasakyan mas panatag pa din si Daddy na hinahatid ako ng driver namin. Aniya na sumabay at magpahatid na lang daw ako kay Andrei mamayang pag uwi.

"Ingat po kayo Ma'am." Paalala ng driver namin.

"Salamat po Manong Eddie."

"Anong oras po ng labasan niyo?" Tanong sakin ni Manong Eddie.

"Mamaya pa pong 5pm, pero hwag na po kayong mag abalang sunduin ako. Sasabay na lang po ako sa kaibigan ako." 

Sinarado ko ang pinto ng sasakyan at umalis na ito. Back to school, matapos ang konting pahinga after ng convention. Lahat ng namiss namin na klase at lesson ay okay na rin dahil pinadalhan nila kami ng mga hand outs at lecture via email, aaralin na lang namin.

"Jess!" Napalingon ako sa boses ng mga babaeng sasabay sabay na tinawag ang pangalan ko. Nakita kong lumingon at napatingin rin ang ilang mga estudyante sa lakas ng boses nila.

"Shit friend! I miss you." Sabay yakap sakin ni Jen.

"Bruha! Nasaan na ang bilin kong pasalubong?" Taas kilay na tanong sakin ni Ara. Isang volleyball na pang beach ang hiling niya. Marami naman dito sa Manila pero gusto daw niya galing Cebu. Collection niya kasi ang bola ng pang volleyball galing sa iba't ibang lugar, local or international.

"Nasa bahay." Sagot ko sa kanya at yinakap ko siya.

Hindi umumik si Jana sa halip inextend niya ang kanyang mga kamay para yumakap sakin.

"I miss you too mga bru." Sabi ko sa kanila. May 1hour pa naman bago ang klase namin kaya nagdiretso kami sa canteen. Konti pa ang mga estudyante marahil ay nagsisimula na ang mga klase.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now