Chapter 60

87.9K 1.1K 50
                                    

Jen’s POV

Nagtitigan sila Jana at Ara bago tumayo. Buong akala ko ay iiwan na nila ako pero nagulat ako sa sinabi ni Jana. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.

“Ready ka bang bumiyahe nang malayo?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Malayo? Hindi kaya nasa Davao ito? Bakit hindi ko naisip na baka nasa Davao siya?

“Stop it, Jana. Let’s go bitches!” Naunang tumalikod si Ara. Nakita ko namang umirap si Jana sa kanya at may binulong-bulong. Agad ko namang kinuha ang bag ko at tumayo. Magkasabay kaming naglakad ni Jana palabas ng bahay nila Ara.

This is it! Makikita ko na si Jess. Gustong-gusto ko na siyang makausap at ipaliwanag lahat-lahat, kahit ang kondisyon ni Andrei. Karapatan niyang malaman ang nangyari at nangyayari kay Andrei simula noong gumulo ang sitwasyon nila. Alam kong hindi matatapos ang gulo at problemang ito kung walang makakapagsabi nang totoo at hindi ito matatapos kung walang makikinig!

Nagulat ako nang huminto ang kotse ni Aras sa tapat nang subdivision namin. Lalo akong naguluhan. Andito lang ba si Jess sa subdivision namin.

“Go out, Jen.” Utos sakin ni Ara. Hindi niya ako matingnan. Nakatuon lamang ang mga mata niya sa daan.

“We won’t tell you where she is. Go out now.”

“Ara, why are you so rude? Don't you know she's human too? Akala ko ba kay Jess mo siya dadalhin?” Takang tanong ni Jana. Kahit ako ay nagtataka at naguguluhan sa kinikilos ni Ara. Buong akala ko ay malinaw na sa kanya ang lahat matapos kong ilahad ang buong istorya sa kanya, pero hindi pala! Nag-aalab sa galit ang aking puso ngunit kailangan ko itong pigilan. Baka kung papairalin ko ang galit ay lalong hindi ko malaman kung nasaan ang mag-ina ni Andrei.

Andrei is such a good man at hindi nararapat sa kanya ang mga ganitong problema at paghihirap pero tao rin siya at normal na makaranas nang mga ganitong pangyayari ang isang tao. Pero sobra-sobra na ang nangyayari sa kanya. Na kahit si Ara ay hindi naaawa sa kanya.

“Andrei’s sick, Ara! Wala ka bang puso? Ipinagkakait mo, natin kay Andrei ang pagkakataon na sana magkakasama na sila ni Jess! Paano kung bukas, makalawa, sa mga susunod na araw o sa mga susunod na buwan ay mawala na si Andrei? Sa tingin mo ba naging masaya sa huli niyang araw? Mag-isip ka, Ara!” Natahimik ako sa sinabi ni Jana. Kahit ako ay ganun din ang aking iniisip. Magiging mahirap ang mga susunod na araw kay Andrei.

“Shut up, Jana! We won’t let anyone know where she is until siya na ang magdesisyon na magpakita! Hintayin natin na maging handa siya at tapos na lahat nang sakit na nararamdaman niya!”

“What if he’s dying –“

“Then let him die!”

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi ni Ara. Gustong-gusto ko siyang saktan ngunit hindi ko magawa! Umiling ako bago magsalita sa kanila.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon