Chapter 17

217K 1.5K 63
                                    

Lalo kaming naging busy ng ika-third day na ng foundation week. Isa sa pinaka-inaabangan ng lahat ang araw na ito. Mamayang hapon kasi gaganapin ang mga cultural presentation like vocal duet and solo, dance mob competition and band competition. Sa sobrang busy, haggard na kaming mga officers. Of course, kelangan naming i-monitor lahat ng competition na ginaganap.


Sa ngayon, nasa pangatlong pwesto ang Department ng Engineering. Nangunguna ang TechEd at pumangalawa ang Accountancy.


Some of our task, ay maglibot libot sa mga booth ng bawat department. Kanya kanyang concept. Katulad na lang ng sa mga PolSci, marriage booth. Sa Engineering, ay yung larong may wire na na-twisted at may isang hawakan na may maliit na butas. You need to finish the course without letting the wire to be touched. 


Kasama ko ngayon si John, SA Vice President, papuntang cafeteria to grab our lunch. We were discussing all the left proograms and competitions. Sa sobrang init at banas sa labas, I tied up my hair into a messy bun. Buti na lang hindi ako grabe mamawis.


"Ready na rin ang drumset natin at sound system. Muntikan na tayong magkaproblema ngayon dun." Sabi sakin ni John habang tinitingnan ang iPad niya. May checklist kasi kaming nakalagay doon.


"Good thing, nagawan mo ng paraan John. Sa tingin mo, ano pang magiging problema natin?" Ani ko sa kanya. Si John ay nagmula sa Education Department.


"Syempre, inaabangan nila ang  a-" Natigil sa pagsasalita si John nang biglang may humawak sa bewang ko. Ready na akong sampalin kung sino man siya, ngunit hindi ko nagawa nang makita ko kung sino ang lalaking ito.


"Andrei..." Inilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong,


"Do you even know how sexy you are today? With your dress and that hair. Damn baby! I can take you here." At hinalikan pa niya ng mabilis ang tenga ko. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. 


"Or maybe, I can just... kiss you." He was about to kiss me but I stop him. Nakalimutan kong may kasama nga pala ako.


"Hey bro! Can I borrow her for  lunch?" Nakangiting tanong ni Andrei kay John.


"Sure. Maya na lang ulit tayo mag meeting Jess." 


Dinala ako ni Andrei, sa table kung saan andoon ang pagkain niya. Kanina pa pala siyang kumakain akala ko pa naman sabay kami. Bigla na lang may lumapit samin na isang lalaki na may dalang tray na puno ng pagkain.


"Oh Andrei! Ayan na ang dagdag mong order." Ibinaba ng lalaking hindi ko kilala ang tray na dala niya sa table namin.


"Thanks, pre." Tumango sila sa isa't-isa. Nagulat ako sa dami ng pagkaing nakahain sa lamesa. Sa tingin ko ay good for 3 to 4 persons ang nakahanda.


"Ganyan ka ba sobrang kagutom, at ang dami mong order?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Of course not. I've been waiting for my girlfriend this lunch time. I actually texted her several times saying that we're going to have lunch together. But it seems that she's so busy roaming around with other guy." There's a hint of jealousy in his voice.  Nagseselos ba siya? Siguro nga. Napangiti naman ako habang iniisip ko na nag seselos nga si Andrei. 

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now