Chapter 32

172K 1.3K 135
                                    

Hindi pa nakakalabas si Andrei ng gate ay hinawakan at hinila ko na siya sa braso niya. Hindi pwedeng basta na lang niya akong iwan ng ganito na parang walang nangyari, na tila hindi niya ANAK ang nasa sinapupunan ko. It can’t be! He can’t dumped me like a hot potato.

“You can’t just leave me! This is also your child Andrei.” Kahit na nag aalab sagalit ang puso ko ay patuloy pa rin ang buhos ng aking mga luha.

“I don’t have a child!” Matigas niyang sabi.

“How could you say that! Dugo mo ang nananalaytay sa batang ito!” Lumayo siya ng bahagya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Ang buong akala ko ay magiging ayos ang pagtanggap niya. Pero hindi pala! Nagkamali ako!

Nanghihina ako ngunit alam kong kelangan kong labanan ang panghihinang ito. Natatakot akong maging mahina dahil natatakot akong pati ang aking anak ay manghina at mawala sa akin. Lord, bakit po ganito ang nangyayari sakin? Help me, my Lord.

“Ganito na lang ba yung Andrei, ha? After I give my fucking virginity to you, kapag nabuntis ay iiwanan na lang basta!? Ganun ba yun, Andrei? Is that how you play your fucking game?” Tinulak tulak ko siya habang umiiyak akong sinasabi ang lahat ng ito. Hindi na kaya ng puso ko dahil sa sobrang emosyon na bumubuhos.

“This is how you play your game right? If yes, then please stop and be the father of our child. I need you, we need you, Andrei. Please.” Halos lumuhod na ako sa harap niya hwag lang niya kaming basta iwanan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang damit malapit sa dibdib niya. I rested my head there, nakaramdam ako ng pagod. Sobrang pagod!

“Please Andrei, you love me right? Right?” Tumingala ako sa kanya para tingnan ang expression sa kanyang mukha ngunit hindi ko ito mabasa. Sunod sunod na buntong hininga ang ginawa niya bago niya ako ilayo sa katawan niya. Tumingin siya sa mga mata ko ng diretso.

“Sorry Jessica. I can’t be the father of YOUR child. Hindi maaari.”

Lalong bumuhos ang aking mga luha. Akala ko wala na akong iluluha pa pero mas may nailuha pa ako. Hindi ko matanggap na hindi niya matanggap ang anak namin. At anong sabi niya? ‘YOUR CHILD’? Anak ko lang? Anak niya rin ito!

Agad lumapat ang kamay ko sa pisngi niya. Rinig na rinig ko lagitik ng aking sampal sa mukha niya.

“Fuck! Fuck you, Andrei!” Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya.

“How could you say that!” Pinigilan niya ang mga kamay kong patuloy na lumalapat sa dibdib niya. Tumigil ako at umiyak lang ng umiyak. I can’t find the right words to say how unworthy he is.

“Leave.” May diin sa aking pagkakasabi. Agad naman niya akong tinalukuran at sumakay sa kotse niya. Napaluhod ako ng maparinggan ko ang harurot ng kanyang sasakyan. Agad kong naramdaman na may kamay na tumutulong sakin upang makatayo.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon