Chapter 13

214K 1.4K 40
                                    

Sabay sabay kaming lumabas ng gym matapos naming ayusin ang mga upuan. Kinuha ko ang bagpack ko at ni Andrei na nakalagay sa lamesa. Inabot ko ang sa kanya. Akmang kukuhanin niya rin ang bag ko ngunit tumanggi ako.


"No, I'm fine." Ngumiti ako sa kanya at nagsimula nang maglakad.


"No, let me..." Matigas ang pagkakasabi niya. Hindi na ako nakatanggi nang siya na mismo ang kumuha nito sa aking balikat. Natulala ako at napatigil sa ginawa niya. Naunahan na niya akong maglakad kaya naman kitang-kita ko ang dalawang bagpack na nakasabit sa parehas niyang balikat.


Umiling ako at ngumiti. Hinabol ko siya nang tumigil siya at pinagtaasan ako ng kilay.


"Andrei, wala ka ng klase?" Tiningnan ko ang wristwatch ko. Alas singko na ng hapon.


"Wala na po." He answered as he looked at me with his big smile. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, at sobra yata ang saya niya.


Binaybay namin ang daan palabas ng school. Wala na rin naman akong klase, katulad ni Andrei. I don't know what will be his next plan. Habang naglalakad kami ay narinig kong may tumatawag sa akin. Tumigil ako at ganun din si Andrei.


"Jessica!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Carlo na kumakaway sa akin habang tumatakbo papalapit. Hinihingal tuloy siya ng makarating sa tapat namin.


"Sorry, hindi na ako nakaabot sa meeting. Kakatapos lang ng praktis ng DMU Dance Crew." Huminga siya ng malalim matapos ng sinabi niya. Si Carlo ay officer ng engineering, hindi ko lang matandaan kung ano ang hawak nitong posisyon. Member din siya ng dance crew ng school.


"It's okay, no worries..." Ngumiti ako sa kanya. "By the way, may panyo ka ba? Pinagpapawisan ka Carl..." Tumawa siya at mismong palad niya ang pinangpunas niya sa kanyang pawis.


"Napakamaalalahanin mo namang presidente, no wonder kung bakit ilan sa mga dance crew ang nagkakagusto sayo." Tumawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Palabiro talaga itong si Carlo!


"Bolero ka -" Natigil ako sa kalagitnaan ng aking sasabihin ng maramdaman ko ang kamay ni Andrei sa akin. Napatingin ako sa kanya at ganun din si Carlo.


"Let's go?" Aya sa akin ni Andrei. Tumango ako at nagpaalam na kay Carlo. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata ng umalis kami ni Andrei. Tumingin pa siya pababa sa aming kamay na magkahawak,


Nailang ako habang naglalakad kami palabas ng campus. Hindi naman ganoon kadami ang estudyante sa paligid, ngunit hindi mawala sa isip ko ang magkahawak naming kamay. Yumuko ako sa mga tingin nila sa amin ni Andrei, pero itong si Andrei parang balewala lang sa kanya ang lahat. Dirediretso siyang naglalakad.


"Ano ba! Hindi yan si Jess! Mapapahiya lang tayo kapag nilapitan natin yan."


"Sira! Likod palang alam ko ng si Jess yan!"


"Mas sira ka! Walang boyfriend si Jess kaya hindi siya yan!"

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now