Chapter 37

166K 1.4K 236
                                    

Sa ngayon, wala na akong pakielam kung nanalo man ako.

Dalawang araw simula ng pinalalaglag ni Andrei ang anak ko, ay hindi na ako lumalabas ng kwarto. Nagmumukmok lang ako dito sa loob. Tumigil na ang aking pagluha, pero hindi matigil tigil ang sakit na aking nararamdaman.

Kahit na anong pilit kong maging masaya sa loob ng dalawang araw sa loob ng kwartong ito, ay hindi ko magawa.

Wala akong kinakausap na kahit sino. Kahit si Daddy na laging kumakatok sa pintuan ko ay hindi ko pinapansin. Yung mga maid naman na nagbibigay sakin ng pagkain ay hindi ko rin kinakausap. Madalas hindi ko ginagalaw ang pagkaing dinadala nila.

Ramdam kong sobra na ang pag aalala ni Daddy sakin. Nakakatanggap din ako ng maraming text message galing sa tatlo kong kaibigan. Ni isa ay wala akong sinasagot. Mas madalas ang oras na ako’y natutulala at tila blangko ang aking pag iisip. Mas mabuti siguro yung ganito, tila namamanhid ako.

“Tito Rafael, dalawang araw na siyang hindi pumapasok at hinahanap na siya sa school. Alalang alala na po kami pati ang ibang faculty sa school.”

Rinig ko ang mahinang tinig sa labas ng aking kwarto. Buti na lang ni-lock ko ang pintuan para hindi sila dito sa loob makapag usap.

“Alam ko, kahit ako ay sobrang nag aalala rin. Simula nung umuwi siya nung isang araw at iyak ng iyak, ganyan na ang nangyari sa kanya. Tinatanong ko siya, pero hindi umiimik. Sabi rin ng mga maid ay madalas hindi ginagalaw ni Jessica ang pagkain niya.” Boses yun ni Daddy. Maaga pa masyado pero bakit andito na agad siya sa bahay?

“Tito, we need to open that door. I need to talk to her.”

“Jen, kanina pa tayo katok ng katok pero ayaw niya tayong pagbuksan.” Kumakatok? May kumakatok pala kanina? Hindi ko man lang napakinggan. Bingi na ba ako?

Medyo tumahimik ang mga taong nagsasalita. Siguro ay umalis na sila. Pinaglaruan ko na lang ang mahaba kong buhok na nakalagay sa right shoulder ko.

Ang sarap ng hangin dito sa terrace ng kwarto ko. Parang walang problema ang mundo kung titingnan mo. Ang sarap sanang tumambay dito lalo na kung kasama ko ang magiging anak ko. Makikita naming ng sabay ang magangdang paligid.

Pinikit ko ang aking mga mata ng umihip ang malakas na hangin. Tinangay nito ang mumunti kong buhok sa mukha.

“Jessica. Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka lumalabas dito sa kwarto mo. You even barely touch your foods!” Medyo mataas na ang boses ni Daddy. Ibig sabihin medyo galit na siya.

“Tito, hinay hinay lang po.” Rinig ko ang boses ng isa pang tao, pangbabaeng boses. Hindi ko sila nilingon parehas.

“Jess, I miss you. Let’s go back to school. Madami ng naghahanap sayo at madami ng nakakamiss sayo. Si Andrei lagi ka niyang –“ Pumintig ang pandinig ko ng binanggit niya ang pangalan ni Andrei. Nabuhay ang galit at sama ng loob sa aking puso.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now