Chapter 56

110K 1.4K 183
                                    

“No Jess! You can’t leave me!” Isa-isa kong pinagtatanggal ang mga damit na nilagay niya sa kanyang maleta. Sinundan ko agad siya nang dali-dali siyang umakyat dito sa aming kwarto. Tama nga ang hinala ko na aalis siya at iiwan ako. Pero hindi pwede!

“Listen to me!”

“Shut it! I don’t wanna hear more lies and lies! I’m tired of you, Andrei!”

Pilit na ibinabalik ni Jess ang mga gamit niya sa maleta samantalang ako naman ay tinatanggal ko.

Damn it! Walang mareresolbang problema kung ganito ang iaakto niya! Hindi kami magkakaintindihan kung ayaw niyang makinig.

“Pagod na rin ako! Pero hindi sayo Jess! Kahit kelan hindi ako napagod sayo!” Sigaw ko sa kanya at natigilan siya sa pag-eempake. Tumingin siya sakin nang nakakunot ang noo at tumutulo ang luha niya.

“Hindi ka napapagod? Pwes ako pagod na pagod na kakaisip kung anong nangyayari at mangyayari sayo, sa atin, at sa anak ko. Kaya tama na Andrei. Magsama kayo ni Jen, basta akin ang anak ko.” May diin ang bawat salitang binitawan niya. Kinarga niya ang anak naming tulog na tulog. Akmang lalabas na siya ng kwarto pero yinakap ko agad siya sa likuran. Marahan ang aking pagkakayakap dahil hawak niya si Alexis.

“Please baby. Isama mo na lang ako! Please Jess.” Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Mabilis ang pagtulo nito sa aking mga mata at alam kong ramdam ito ni Jess.

Alam kong marami akong nagawang pagkakamali simula noon, maging sa anak namin pero hindi ko kaya na ganito na lang ang magiging katapusan naming dalawa. That’s why I’m afraid to say everything to Jess dahil sa isip ko, ganito ang mangyayari. At nangyari na nga!

“No Andrei! You push me to do this. Now, get off me. I’m begging you.”

Nanlambot ako sa sinabi niya. I’m begging you? Ganun na ba katindi ang nagawa ko at sobra sobra ang pakikiusap niya na bitawan ko siya?

Wala akong nagawa kundi ang bitawan siya at umiyak nang umiyak. Hindi ko kayang panoorin na umalis siya sa buhay ko pero alam kong kelangan ko siyang habulin.

If chasing her will make everything better, then I’ll chase forever.

Nakita kong lumabas si Jess sa pinto. Dali-dali naman akong bumaba sa hagdan upang mahabol siya. Ngunit natigilan ako nang makitang hinarangan siya ni Jen.

Oh Jen, please not now!

“Jess you have to listen to me!” Sabi ni Jen kay Jess. Nagpatuloy lang sa paglalakad palabas si Jess habang hinahabol din siya ni Jen.

“Jess! Open your damn mind!” Sigaw sa kanya ni Jen.

Natigilan si Jess sa biglang pagsigaw ni Jen. Naramdaman ko naman ang presensya nila Mommy at Daddy na tila pinapanuod ang susunod na mangyayari. Nang marinig ko ang iyak ni Alexis, doon na mas lumambot ang puso ko.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon