Chapter 21

204K 1.2K 25
                                    

Andito kami ngayon ni Andrei sa condo niya. And just like what he'd said, we are going to talk for some matters. Lalo na yung sabay naming pag-alis for school purposes. Yung pupuntahan ko, may kinalaman talaga siya sa school. Ewan ko lang dito kay Andrei Erickson!

Parehas nawala sa isipan namin may mga lakad pala kaming dapat pupuntahan. At ngayon, nagtatalo kami sa sabay naming pag-alis.

"Jessica! Nine days? Akala ko ba isang linggo lang? Ang tagal nun!" Singhal sakin ni Andrei.

"Ang alam ko talaga nine days kaming andun for that convention. Andrei, representative kami ng school. Hindi lang naman ako ang andun. Kasama ko ay VP at Secretary ng Student Association."

Kami ang ginawang delegate ng school para sa gaganaping convention. Hindi pa nadi-discuss samin kung para saan at kung anong convention ang pupuntahan namin. Kasama dapat talaga ang secretary na si Jen, kaya lang ang luka ayaw daw maabala at kayang kaya na daw namin yung kahit kami kami lang. Naisip ko tuloy, sinong magsusulat at gagawa ng minutes of the meeting namin? Hmn!

"But Jess, its nine days! Nine fucking days! Sobrang tagal." Sabay hampas ni Andrei sa katabing table. Nagulat ako sa bigla nyang pagtaas ng boses.

"Eh ikaw nga apat na araw! Ganun din naman yun--"

"Magkaiba ang nine days sa four days! Dapat alam mo yun, top 1 ka eh!"

"Okay! It is different! But I really--"

"No! You are not going. I'll tell TIto to find someone as your replacement." Sabay kuha ng phone niya at nag-dial. What! Bakit ba ayaw nitong makasama ako sa convention na yun! Nine days, napaka-ikling araw lang nun.

"But Andrei--"

"No! You shut up, Jess!" Nalaglag ang panga ko sa kanyan huling sinabi. Talaga bang ayaw nitong makasama ako? Ginamit pa niyang connection ang Tito niya. Palibhasa ang Tito niya ang may-ari ng school at principal nito, kaya ang lakas ng loob ni Andrei.

Hindi na ako umimik sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Hinatid niya ako, at magkasama kami sa sasakyan ng walang imikan. As in wala!

"Baby, please don't be mad. Understand me." Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para hindi agad ako makalabas ng kotse niya.

"Ikaw ba Drei, saan ka pupunta? Kung sabihin ko bang ayaw din kitang sumama dun, papayag ka ba? Hindi mo pa nga lang sinasabi ang lugar na pupuntahan niyo at kung anong dahilan ng pagpunta niyo dun, pero hindi ako tumutol!" Cebu, napakalapit ng Cebu at nine days lang ako mawawala ngunit ayaw niya akong payagan. Pero siya? Wala akong alam kung saan siya pupunta.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon