Matapos ang Pagkatapos

29 0 0
                                    

Noong nagkita tayo, doo'y nagkakilala
Hindi ko inakala na ayun ang simula
Noong inakala na ikaw ay aking tadhana
Sa sandaling oras na nagkasama, ika'y napamahal na ng sobra
Pero kailangan ko sayo'y lumayo
Bakit ngayon ko lang naisip,
Bakit nagbulagbulagan ako
Na hindi ko dapat mahalin ang taong hindi nakalaan para sa akin

Minsan ako'y napapaisip
Bakit ka pa natagpuan kung hindi ka naman tinadhana?
Na kung di pala pwede, bakit pa tayo pinagtagpo?
Na kung di rin naman darating ang araw na magiging ikaw lang at ako
Ang Magkayakap, magkahawak, magkasama ng hindi na kailangan pang magtago?

Naalala ko noon, Tayo ay magkatabi
Sa mga nakaw na sandali ,hawak ko pa ang kamay mo
Habang tayo'y nangangarap na balang araw maging ako lang at ikaw

Ramdam ko ang iyong pagmamahal
Naniwalang ako lang
Kaya Sabi ko lahat ay handa kong hamakin, ikaw lamang ay mapasakin
Ngunit mali nga pala, di na dapat pang subukin
Na dapat noon pa lang hindi ko na sinimulan
Dahil una pa lang alam kong ang sitwasyon natin ay alanganin

Tinapos ko ang lahat kahit sobrang hirap
Tayo'y nag-iwasan at lahat ay nahinto
Inalis ko ang lahat ng magpapaalala sayo
Pero ang alisin ka sa buhay, isip at puso ko ay ang hindi ko magawa
Marahil tapos na nga tayo ngayon,
tuluyan ng natuldukan ang ating pinagsamahan
Na tila basura lang na tinapon at kinalimutan
Sinabi kong kalimutan na natin lahat lahat
Kahit labag sa loob kong ako'y iyong kalimutan
Ngunit wala na akong magagawa, dahil ginawa ko na ang tama
Upang sa aking pagkakamali ako'y Makabangon na

Pero Pag naiisip kita
Luha ko ay hindi maiwasan sa pagpatak
Sabi ko kaya ko pero ang sakit pa din pala!
Na ang taong hiniling kong maging sakin ay hawak na ng iba
Ngunit wag mo na akong alalahanin pa
Makakayanan ko ito, makakalimutan din kita
Marahil Tama na dahil meron ng kayo
Tama na dahil pareho tayong masasaktan kapag nagpatuloy pa to
Tama na dahil magiging extra lang ako sa istorya niyo
Tama na, itinama ko ang lahat kahit ako'y tinamaan talaga sayo.

Salamat na lang sa pagmamahal, Mag-ingat ka palagi,
Oo aaminin ko, minamahal pa rin kita
Minamahal pa rin kita, pero alam kong mali na mapasakin ka
Huli na kasi ang lahat,
Tanggap ko na di na tayo pwede sapagkat ikaw ay nakalaan sa kanya at ako ay sa iba
Ang matamis nakaraan natin ay mananatili na lang sa nakaraan na tila isang mapait na kahapon na ayaw mo ng balikan
Hindi na pwede pang magpatuloy sa kasalukuyan o mangyari sa hinaharap
Ngunit Sana maalala mo pa rin ako,
Taong minsan mong minahal
Taong minsan mong ginawang mundo
Taong minsan naging dahilan ng mga ngiti mo
Taong minsang bumuo ng araw mo
Isang taong sayo'y nagmamahal
Kahit kung tingnan mo ako ay parang isang kakilala na lang.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now