Dear Girls

22 0 0
                                    

Dear Girls,
Tayo'y may iba't ibang katangian
Personolidad at kagandahan

Lahat tayo ay deserve ang respeto at pagmamahal

Kaya wag mong ibase ang iyong halaga sa Opinyon ng iba

Husgahan ka man nila, ang mahalaga'y alam mong mali sila

May mga mang huhusga at lalaitin ka pagkat sa kanila ika'y naiiba

Patuloy kang ikukumpara
At kung kani kanino'y ihahalintulad ka pa
Ngitian mo na lang, at ipakita mong wala kang paki sa kanila

Dahil magkakaiba ang mga babae, Lahat ay may kanya kanyang paraan para ipakilala ang sarili nila

May mga babaeng hindi palainom
at lasa ng alak ay pinandidirihan

May mga babae din namang palainom at present sa lahat ng inuman ngunit never silang pumayag maging pulutan

May mga babaeng ganda ay nakakahalina at kutis porselana

May mga babaeng hindi pansinin ngunit kagandahang loob ay kapansin pansin

May mga babaeng talento ay hindi mapagkakaila

ngunit may mga babaeng talento'y pinagkaila

May mga babaeng pinalad sa estado ng buhay at pag ibig

ngunit May mga babaeng tila pinagkaitan ng langit

Tayo'y iba iba, kaya wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya

Espesyal ka sa ibang larangan
Wag mong isipin na pagiging desperada ang paraan
Upang mahalin at magustuhan

Babae'y marupok daw
sobra sobra kung magmahal
Sa sarili'y walang natitira

sabihin na lang natin na tama sila
pero iyong tandaan

Pwede kang maging Modernong Maria Clara

Ngunit wag na wag kang magpaka Maria Osawa para mahalin niya

OO! Hindi ka perpekto at madami kang kamalian
ang mahalaga ay hindi ka nagbabanal banalan

Sa pagmamahal ng iba ika'y sabik

Tiwala sa sarili sana ay magbalik

Sarili mo'y bigyang halaga bago maghanap ng pagpahalaga sa iba

Ika'y maganda sa kung ano ka.

Wag kang magdagdag o magpabawas ng kung ano pa

Ika'y makuntento sa kung anong taglay mo

Wag mong pilitin ang bagay na wala sayo

Hindi mo kailangang iplease ang ibang tao

Ang importante ay pinapahalagahan mo ang sarili mo

Kaya wag mong piliting abutin ang tingin nila

Wag mong piliting baguhin kung sino ka

Wag mong kimkimin ang sakit na nadulot nila

Wag mong hayaan na ika'y makulong sa nakaraan

Hindi ka perpekto pero may sariling ganda ka

Hindi ka perpekto pero mabait ka

Hindi ka perpekto pero ka hanga hanga ka


Hindi ka perpekto pero alam mo ba, Kamahal mahal ka

Wag mo lang kakalimutan na ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan lang kapag tinanggap mo ang iyong kakulangan, kamalian at kapintasan

Tandaan, Ika'y magiging sapat sa taong karapat dapat

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now