Tara, Inom

8 0 0
                                    

Tara, Inom?
Kalimutan ang problema.
Palipasin ang lumbay,
at paghilumin ang sugat.

Sagot ko na ang alak,
basta'y magkwento ka.
Sa bawat pag-ikot ng tagay-
Ihayag ang nararamdamang bigat.

Tayo'y magpakalasing-
hanggang manlabo ang paningin.
Makaramdam ng galak-
Habang malawak ang ngiti sa salamin

Tara, inom?
Damayan mo ako.
Kalimutan na may pasok bukas.
Lahat ng problema ay alak ang lulutas.

Ngayong gabi, tayo'y tumagay.
Samahan mo akong magpakasaya-
sapagkat ayokong lumuha pa,
gusto ko lang maging maligaya.

Itakas mo ako sa kalungkutan.
Sa paniniwalang sa akin ay may kulang.
Kaya kaibigan, ako ba'y iyong dadamayan?
Huling tanong, Tara! Inom?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now