move on na ko

57 5 2
                                    

Beeeeeeees alam mo ba yung taong gustong gusto ko, matapos ang matagal naming pag-iiwasan ay nagpapansinan na uli kami... letsugas bes! Nagkasalubong kami sa hallway ng school. Papunta sya ng canteen tapos ako pabalik na sa room! Putek pagkakita nya sakin ngumiti agad sya bes tapos tinaas nya yung kanang kamay nya para makipag apir. Putek magpapabebe pa ba ko? Syempre nakipag apir din ako pero putspa bes! Di lang pala apir ang gusto nya!!!! Holding hands bes! HOLDING HANDS!!! Yung tipong ayaw nyang bitawan yung kamay ko kahit pilit kong binabawi to! Hype diba? Tapos medyo matagal pa kaming nakatayo dun at nag uusap. Mga 3 minutes! Wag kang ano bes matagal na yun para sakin! Tapos yun nga bes nung binitawan nya na yung kamay ko bigla kong nalungkot.
Hindi dahil nanghinayang ako sa moment na yun kundi dahil narealize ko bes na wala na talaga! Hindi ko na sya gusto! Normal na lang syang lalaki sa paningin ko! Wala ng epekto yung titig nyang pamatay at mapang-akit nyang ngiti. Wala na talaga bes! Nakakalungkot! Akala ko pa naman iba na yung nararamdaman ko para sa kanya! Wala na tuloy iaasar sakin yung mga kaibigan ko na kikiligin talaga ko! Haaaaaay bes! Di ko man lang namalayan na move on na pala ko sa kanya kahit hindi naging kami. Bes hanapan mo nga ko ng bagong crush ! Puhlease..

Inner ThoughtsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz