Ruler

59 3 0
                                    

Non Voter's Point Of View

Eleksyon nanaman...

Lipana nanaman ang mga taong mapagpanggap.
Sa ganitong panahon, Halos lahat ng kandidato ay maka-mahirap.
Suporta dito, tulong doon.
Pabida dito, Paliga doon.
Hindi ba't nakakasawa na ang ganitong pamamaraan kung sa huli alam mo naman ang magiging resulta.
Kurapsyon at walang hanggang kahirapan.
Ilang dekada na nating nararanasan ang ganito.
Pipili ng mga kandidato na puro pangako.
Tayo naman ay madaling nagpapauto.Tapos ilang buwan lang ano?
Babatikusin at pipiliting pababain sa pwesto? Yung totoo? Sino nga ba ang may kasalanan bakit sila nakaupo sa pwesto? Hindi ba't tayo.

Dahil onting tulong, Onting akbay,Madalas na pag ngiti at Anak ng tanyag ay mabuting pinuno na kaagad.
Puro tayo kalokohan. Paano masusukat doon ang pagiging mabuting pinuno sa isang bansa?
Wag nating ipagsawalang bahala ang ganitong bagay.
Dapat tayo'y bumoto ng tama dahil ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ang nakasalalay.

Hindi pa kami bumuboto pero hindi maiwasan na mayroon ding kaming kandidatong mapusuan.

May kandidato daw na pumapatay ng tao
May kandidato daw na hindi pa handa
At may kandidato daw na magnanakaw.
Kung sisilipin nyo lahat ng pagkakamali nila ay talagang may makikita kayo dahil walang perpekto.
Pero bakit lagi kailangang silipin ang mga pagkakamali?
Hindi ba pwedeng sa mga kabutihang nagawa nila ibase ang panghuhusga?

Kaming mga kabataan ay may kanya kanyang opinyon na minsa'y mas malawak pa sa mga nakakatanda.
Bakit hindi nyo kami subukang pakinggan upang makatulong sa inyong pagdedesisyon .

Sa panahong ito, Hindi lang iisang tao ang batas.
Hindi ang mga nasa pwesto ang batas
Hindi ang mga kandidato ang batas
Dahil kayong mga bumuboto ang batas.
Kayo ang may kakayahang ilagay sa pwesto ang karapat dapat kaya bumoto ng tama.

Dedicated to: DU30

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now