Five||BP

42.4K 681 68
                                    

A/N: HAPPY FIRST ANNIVERSARY KATHNIEL! :)

Thanks for the support guys! :*

Five||SABP

Normal POV  [Author’s POV]

Hayaan na muna niyong ako ang magkwento para mabigyan linaw ang mga ilang detalye at pangyayari na naganap.

“Hazel….Please….Ingatan mo ang damdamin ni Gelo ha?” “I trust you.”

Iyan ang mga binitawang words ni Raiza, ang EX girlfriend ni Gelo. Nag-break sila 2 months ago. Bakit? Nung una, mahal nila (Gelo at Raiza) ang isa’t isa. Pero nang bumalik ang first love ni Raiza….hindi nito naiwasang maibalik ang pagmamahal nito para sa ex niya. Kaya unti-unting naaalis ang pagmamahal ni Raiza para kay Gelo. Kahit ayaw nitong saktan si Gelo eh kinailangan niya makipag-break dito dahil ayaw niya mas lumalim pa ang mga kasalanan niya para kay Gelo. Minahal niya si Gelo pero walang-wala ang pagmamahal niyang iyon sa pagmamahal niya para kay Henley, ang first love ni Raiza.  Ayaw ni Gelo nung una pero naintindihan niya rin. Naka-one year din ang dalawa. Grade 11 pa lang kasi, naging sila na.

Yes, long time crush ni Gelo si Hazel. Simula pa nung nagtransfer si Hazel sa Wonderstruck University.  Kahit girlfriend pa rin ni Gelo si Raiza ng mga panahong iyon, hindi pa rin nito maiwasang mabighani sa kasimplihan ni Hazel. Pero medyo natatakot siya lapitan ito baka kasi kung ano ang sabihin nito, napakatahimik kasi nito at parang mailap kaya natatakot nyang lapitan ito.

Hanggang sa makausap niya ito for the first time, yun yung napalabas silang dalawa sa room dahil sa kalokohang ginawa ni Gelo. At that time, sobrang saya ni Gelo kaya gaya ng gustung-gusto niyang gawin dinala niya ito sa canteen at inilbre ito ng Palabok na sobrang favorite nito.

Umalis lang siya habang kumakain ito dahil biglang nagtext si Raiza at agad rin naman niyang pinuntahan.

After non, ineexpect na ni Gelo na magiging close na sila ng crush niya na si Hazel. Ang kaso after that day, hindi ito pumasok. After a week dun lang ito nakapasok ng school. Gaya ng dati hindi siya nito pinapansin. Sobra siyang nadisappoint non at wala na siyang alam na kailangan niyang gawin para mapalapit dito.

Hanggang sa magbreak sila ni Raiza. Nasaktan ito, at inaamin niya iyon sa sarili nito.

Ginawa niya ang lahat para maging masaya siya, para mapasaya niya ulit ang sarili niya. Sumaya lang siya ng nakausap niya ulit si Hazel.. At yun. Sinabi na niya sa sarili niya na kahit lumayo man sakanya si Hazel, hahabul-habulin niya pa rin ito. Dahil kay Hazel…..sakaniya lang nito nararamdaman ang tunay na saya.  Mahal niya nga ba si Hazel? Hindi pa niya alam. O…….may pinipilit pa rin siyang isang damdamin na mapatubo ulit.

Hazel’s POV

“I trust you…”

“R-raiza?” Naguguluhan talaga ako, lalo na dun sa ‘Hazel….Please….Ingatan mo ang damdamin ni Gelo ha?’

Hindi na ba sila?

“Matagal ka ng gusto nyan. Nung kami pa, lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sayo. Pero alam mo bang kinikilig ako non? Hihihi. Napaka-torpe eh.” Confirmed na break na nga sila. Bakit hindi ko nahalata? Sabagay barkada pa rin sila. 

“Hindi ka ba nagalit sakin non?”Tanong ko.

“Hmm. Nope, gusto nga kitang kaibiganin non kaso natatakot ako sayo. Hehe. Napaka-mysterious kasi ng dating mo. Baka i-ignore mo lang ako.”

*smiles* Hindi ka ba nagselos…ay hindi. Nagalit o nainis dahil sa sinabi mo nga na baka g-gusto niya ako?” Naalangan pa akong itanong yun.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon