Forty Four||BP

14.6K 312 10
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Forty Four

**

Hazel's Point of View

Wala na ako sa mood buong araw. I'm not too stupid para balewalain 'yung halik na iyon at mas lalo akong nainis nang pinakita niya sa kanila ang picture namin na naghahalikan.

Pagkatapos niyang halikan 'yung ibang babae ay ipapakita naman niya ang picture namin na naghahalikan? That's stupid!

"Thanks for the ride," sabi ko kay Josh at bababa na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko.

"Why?"

"Thank you for being my queen tonight. I love you and good bye."

Napakurap ako sa sinabi niya? Bakit siya nagpapaalam?

"Bakit ka nagpapaalam?" tanong ko.

Ginulo nito ang buhok ko na nakangiti, "Hindi ako aalis. That good bye means I will stop chasing you. But I'll be your friend, always."

Lumapit ako kay Josh at niyakap ito, "Thank you."

Hindi ako tumingin sa mga mata niya dahil natatakot ako sa makikita kong emosyon sa mga mata niya.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang kotse ni Gelo sa may di kalayuan kaya hinintay ko munang makaalis si Josh bago iyon lapitan.

Pagkaalis ni Josh ay agad kong nilingon ang kotse ni Gelo na ngayon ay nakalabas na sa kanyang kotse.

Makikita sa mukha niya ang sobrang guilty.

"Why did you do that?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko sinadya, Zel. Maniwala ka sa akin please. Nakuha ko lang iyong picture kay Lander kaya kinuha ko yung kopya. Hindi ko hinalikan si Raiza, Hazel," sabi nito habang hawak niya ang kamay ko.

"Please...Zel."

Sinadya niya man o hindi, nahalikan pa rin siya ni Raiza at nakita iyon ng lahat.

"Give me time to think," sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niya sa akin.

Nagiging makasarili na naman ako dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi ko siya ipinagpalit para kay Josh ay hindi mangyayari iyon. Pero sobrang awa na ako kay Josh at hindi ko siya kayang tanggihan dahil ni minsan ay hindi niya ako tinanggihan unlike Gelo na ilang beses na akong tinanggihan.

Ilang beses pa niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon.

**

Raiza's Point of View

Hawak ko ang mga libro ko pero hindi ko binabasa. Pagkatapos ng ball ay mabilis akong umalis, dahil sa kahihiyang nangyari.

Padabog kong binitawan ang libro at akmang hihiga na ako nang biglang may kumatok.

"Ma'am, may bisita ho kayo."

Si Gelo ang unang pumasok sa utak ko but it's impossible.

Kahit na naka-pajamas ako ay hindi na ako nagbihis at bumaba na lang.

Nasa may hagdan pa lang ako ay kitang kita ko na ang lalaki na nakatayo malapit sa front door.

So, the famous Joshua Layson is here.

"Hello! Napadalaw ka?" tanong ko kahit alam ko naman kung bakit. It's because of my girl crush, Hazel.

Wala itong pinakitang emosyon pero hindi ako natakot because I know him, kahit na may pagka-womanizer ito dati ay hindi ito nananakit ng mga babae...physically.

"Why did you do that?"

I knew it.

Ngumiti ako sa kanya ng malungkot.

"I just wanted to help them," sabi ko. I tried to sound fine but I guess I can't.

"How? By kissing him in front of everyone?" he's being sarcastic.

"Yes."

"That's a stupid idea!"

"Yes, but I thought it will help them," I said.

Hindi ito nagsalita pero bakas pa rin sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon.

"Sa daming ng ginawa ni Gelo kay Hazel, hindi ako naniniwalang makakaget-over ito agad sa mga ginawa ni Gelo sa kanya. Mahal pa rin niya ito, yes. But we are talking about the trust here. Coz love can't stand alone."

"Your point is?" tanong sa akin ni Josh.

"I wanted to test them through that kiss." Yes, it's true. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hinanda ko lang sila.

Kung sa simpleng bagay na ganon ay hindi na sila magka-ayos paano pa kaya kung may mas malaking problema?

"But...that's absurd," kumento nito.

"She chose you over Gelo."

"Yes, pero ngayon lang," sabi ni Josh. Nakaramdam ako ng awa sa narinig kong tono niya. I know that feeling, really.

"Do you think it's right? I mean, hindi ba parang unfair kay Gelo ang ginawa niya?" tanong ko.

Natahimik ito saglit.

Inaamin ko na isa ako sa mga taong nanakit kay Gelo noon. Iyon yung time na hindi pa ako maka-move on kay Henry. Pero iyong maliit na panahon na ibinahagi niya sa akin ay sapat na para makuha niya ulit ang loob ko.

Because like Gelo, I was blinded by the idea of first love never dies.

I thought I still love Henry that's why I left Gelo before but it was a big mistake.

And Gelo did the same thing. But honestly, I already found ou that he was blinded the moment he said that he wanted me back.

Nasabi ko dati na pagsisisihan din ni Gelo ang ginawa niya, which is true.

"Hindi natin alam kung naghihiganti ba siya kay Gelo. Hindi natin alam. Sa ginawa niya ay malaking posibilidad na talagang sinadya niya iyon," nagpatuloy ako.

Tahimik lang ito at mukhang may iniisip.

"But I don't think she can do that to him." Nagsalita na rin iton, sa wakas.

"Maaaring hindi niya pinlano pero iyon ang umiikot sa utak niya ngayon," sagot ko.

"Why are you doing this? Hindi ba dapat wala kang pakialam kung maghihiwalay sila o hindi?"

Tumingin ako kay Josh. I tried not to cry in front of my reflection. Yes, I can see myself through him. I can see my sadness in him.

"Mas ayos na sa akin na ako na lang ang nasasaktan, sobra sobra na kung pati si Gelo ay masasaktan."

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon