Thirty Nine||BP

20K 391 52
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Thirty Nine

**

Hazel's Point of View

Nagising ako nang makaramdam ako ng paggalaw. It took me a minute before I realized what's going on.

Mabilis akong umalis sa pagkakapatong sa likuran niya at dahan dahang inialis ang ulo niya sa lap ko. Halos mapaso ako sa sobrang init ng mukha niya.

Nanginginig ito habang hawak ko iyon at dahan dahang inilapag sa desk ng armchair. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone nito sa kanyang bulsa para sana tingnan kung anong oras na pero drainbatt naman ito.

Madilim pa rin pero medyo may naaaninag na 'kong liwanag. Siguro may araw na pero dahil nasa loob kami ng AVR ay madilim pa rin.

"Zel..." he held my hand as if he doesn't want to let me go.

Lumuhod ako sa harapan niya at hinayaan siyang hawakan ang isang kamay ko. Hinahaplos ko naman ang balikat niya gamit ang isang kamay ko, nagbabakasakaling maibsan ang kanyang panginginig.

I tried to act as calm as I could. I don't want him to realize that I am hopeless. I can't panick. Baka lalong sumama ang pakiramdam niya kapag napagtanto niyang wala akong kayang gawin.

"What do you feel?" I asked him.

Matagal bago siyang sumagot kaya akala ko nag-sleep talk lang siya. Pero ilang sandali lang ay humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'm f-fine," he told me. Umiling naman ako sa kanya. Sobrang kinakabahan na ako sa loob loob ko tapos kung hindi pa niya sasabihin kung anong nararamdaman niya, I might explode.

"Please... look at me," sabi ko.

Tumingin ito sa akin.

"Please tell me kung anong nararamdaman mo," pag-uulit ko.

Hinawakan kong muli ang pisngi niya. Sobrang init talaga. Pero base sa panginginig niya ay halatang nilalamig ito.

Naramdaman kong idiniin niya ang mukha sa kamay ko na parang kumukuha ng init mula doon.

"I love you, Zel."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ito ang pinakaunang pagkakataon na sinabi niya sa akin ito.

"W-what?"

"You asked me what I feel and I answered it," sagot pa nito. "I love you, Hazel. I really do."

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko kaya inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanyang mukha.

Tinititigan lang niya ako na parang nagmamakaawa siya. Nagmamakaawa siya upang maniwala ako.

Pero ilang sandali lang ay pumikit ito at yumuko kaya hindi ko na kita ang mukha niya. Napansin ko ang paggalaw ng mga balikat niya. I don't know if he's crying o nanginginig lang talaga siya.

Napalunok na lang ako habang tinitingnan siya. He's hopeless and I'm hopeless, too. I want to wrap my arms around him but I also want to walk away from him. This is crazy. This feeling is crazy.

I took a step backward but still facing him, nakakatawa dahil wala naman akong mapupuntahan dahil batid kong hindi pa bukas ang AVR. Pero gusto ko lang lumayo. Yes, I'm selfish.

"Zel..."

Napasinghap ako nang tawagin niya ako at tumingin siya sa gawi ko. He's crying.

Napanganga na lang ako habang nakatingin sa kanya. I don't want to see him cry. Before he could call my name again, I ran into him and hugged him.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon