Twenty Nine||BP

22.2K 400 42
                                    

A/N: Pakiplay ang song sa gilid, yung "U Smile" Pinapaalala kasi ng kanta si Josh.

**

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Twenty Nine

**

Hazel's Point of View

Akala ko sa pagkakasabi niya ng 'ituloy mo' ay magpapaka-martyr siya. But thank God, hindi iyon ang ibig sabihin niya. Ang gusto niya ay ituloy ko ang laro hanggang sa mahanap ko ang papalit kay Gelo. After that scene, hindi na kami pumasok. Nagstay lang kami doon hanggang sa magsidatingan na ang mga ibang estudyanteng kakatapos lang ng mga klase nila. 

"Let's go?" nakangiti ito sa akin habang sinasabi niya iyon. Ngumiti ako sa kanya at tiningnan ang mga mata niya pero tulad ng lagi niyang ginagawa ay umiiwas ito ng tingin sa akin.

Hinawakan nito ang kamay ko at, "Hazel...'wag sa mata, pakiusap."

I sighed when I heard him say that. What did I do to this guy? Anong ginawa ko sa lalaking ito na walang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako at sundin ang lahat ng gusto ko?

"S-sure ka bang ihahatid mo ako?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. 

Narinig ko kasi dati na 'Ex-lovers can't be friends'. Pero iniisip ko rin kung kabilang ba kami doon dahil hindi naman talaga kami naging lovers, ahm, I mean...it's nothing.

Tiningnan niya ako ng seryoso pero umiiwas ito ng tingin kapag napapatingin ako sa mga mata niya. 

"Hazel, I am your friend. Please, kahit iyon lang...'wag mo sanang ipagkait sa akin iyon." 

Unti unti na namang namumuo ang mga luha ko. Tumango na lang ako sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama...I was just concerned. What if lalo ko lang siyang masaktan kapag lagi kaming magkasama? Is that okay with him?

"Don't mind me, Hazel. I'm okay," tumawa ito ng bahagya. 

Hinatid niya muna ako sa parking lot pagkatapos ay bumalik ito sa classroom para kuhanin 'yung mga gamit namin doon. Nasa gilid lang ako ng sasakyan niya at hinihintay ang pagbabalik ni Josh.

"Waiting for someone?"

Lumingon ako dun sa nagsalita sa kabilang sasakyan. Nakita ko 'yung lalaking sinigawan ako dun sa harap ng school. Iyong lalaking kasali sa proposal ni Gelo noon, iyong may hawak ng pangatlong aso. At ang lalaking ngayon ko lang napapansin. Si Dennis.

"Yes." Tumango lang si Dennis pagkatapos ay pinatunog niya ang alarm at binuksan ang kotse niya.

"Mauna na ako," sabi nito pagkatapos ay mabilis niyang isinara ang pinto. Umiling na lang ako sa kabastusan ng lalaking ito. Ni hindi man hinintay ang sagot ko. Sa bagay, para saan pa ba kung anuman ang isasagot ko?

Pinanuod ko na lang ito habang inaatras niya ang sasakyan niya. Nang tama na ang pwesto nito at read to go na ito ay binuksan nito bigla ang window niya.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon