Thirty||BP

21.7K 361 15
                                    


Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Thirty

**

Hazel's Point of View

Kinabukasan, tulad ng pinag-usapan ay hindi kami nag-iwasan ni Josh pero hindi ko pa rin hinayaang matagal kaming magkasama. Sumabay akong maglunch kina Lander at Neri at doon ko kinuwento ang lahat sa kanila.

Tahimik lang sila habang nagkukwento ako hanggang sa matapos. Sobrang naninibago ako kasi kailan pang naging tahimik ng ganito ang dalawa?


"Say something..." sabi ko sa kanila pero sabay silang umiling.

"Okay, fine. I am guilty. So guilty." Napabuntong hininga ako ng malalim.

Hindi pa rin sila nagsasalita at umiilimg lang ng paulit ulit. Tumingin ako sa likuran ko at doon ko nakita kung sino talagang tinitingnan nila.

Si Josh na nakaupo sa table sa likuran namin. May dalawang babae na nakatayo sa harap niya at kinakausap siya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nang nakita niya akong lumingon ay bigla itong namutla at lalong hindi na pinansin ang mga kumakausap sa kanyang babae.

Binigyan ko siya ng I-Don't-Mind-Look kaya napabuntong hininga na lang ito at inalis na ang tingin sa akin. Humarap na din ako sa mga dalawang tao sa harap ko na laglag ang mga panga.

"Seriously?" Mabagal na pagkasabi ni Neri.

Hindi nagsasalita si Lander pero halatang halata sa mukha niya ang pagkabigla.


Tumango na lang ako sa kanya pagkatapos ay tiningnan ko si Lander.

"Lander?"

Tumingin naman ito sa akin tapos bigla binuka yung bibig niya pero sinara rin niya agad. Parang may gusto itong sabihin pero hindi niya masabi sabi.

"Hm. Kailan ka nagtransfer dito, Hazel?" tanong nito sa akin na lalo nakapagpataka sa akin.

"Grade 9?"

Pagkasabi ko non ay mabilis niyang kinuha ang phone niya at kung anong may tinaype doon. Nacurious din si Neri kaya tinitingnan nito kung anong ginagawa ni Lander sa phone niya.

Ilang saglit lang ay ibinigay nito ang phone niya sa akin.

"Basahin mo iyang article, dali!"

Kunuha ko naman iyon at tiningnan. Iyon yung school website namin at may nakalagay na Students Forum. Binasa ko ang article na may title na "Popular Boys' Heart".


Entry #452 (Two years ago)

Describe your crush.

Daniel John Alcantara: Makulit pero hindi annoying

Dennis Madrigal: She's taken by heart

Harvey Briones: pretty and sexy

Henry Villaroel: smart and popular

Joshua Layson: simple yet beautiful

Angelo Fernandez: quiet and cute


Napahinto ako sa pagbabasa nang mabasa ko 'yung kay Gelo. Quiet? Ako 'yon at naniniwala akong hindi si Raiza iyon. Cute? Iyon lagi ang sinasabi ni Gelo sa akin.

"Ay naku bakla! Iyong kay Josh ang basahin mo!" mariing bulong sa akin ni Lander kaya napabalik yung atensyon ko sa sagot ni Josh.

Simple yet beautiful.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon