One||BP

53.9K 808 29
                                    

Dedicated sayo, Neriibebs! Pagamit ng name mo ha? 

One||BP

HER POV

Nakatingin ako sakanya habang nakikipagkwentuhan siya sa mga kaibigan niya.

Ang sarap nyang titigan. Hindi ko alam pero napapa-smile na lang ako habang nakatingin sakanya.

Iniimagine ko na ako yung kasama nya, ako yung kinukwentuhan niya. Haaay. Hanggang imaginations lang naman 'to.

Sino ba naman ako para mapansin ng isang Gelo Fernandez? Ako lang si Hazel…Hazel na iniignore lagi.

My school life will never be exciting without him. Oo, inspiration ko siya.

Siya ang dahilan kung bakit pumapasok pa rin ako dito, kahit wala naman akong nakakausap.

Siya rin ang dahil kung bakit ginagalingan ko sa academics ko.

Nagbabakasakali kasi akong mapansin niya ako, kahit minsan lang.

Naaalala ko yung time na yun…. Yung first meeting namin.

Flashback

“Neri! Peram ng ballpen yung original!” narinig kong sigaw ni Gelo sa isang classmate namin.

“Wala!”

“Z! May ballpen ka"

“Ganda lang meron ako!”

“Psh. Vannessaaaa! Peram ng ballpen!” Natatawa na lang ako sakanya. Ang kulit nya kase. Sinasamantala nyang wala ang Teacher. Haha!

“Wala! Hiniram na ni Shie!” Ingay talaga ng magbabarkadang ito. Pero nakakatuwa sila.

Tiningnan ko si Gelo. Ayun, nag-uusok na ang matangos niya ilong. Ang cute talaga.

Tumayo siya sa upuan nya at saka sumigaw ng….

“SINONG MAY BALLPEN DYAN? PAHIRAM! MAY LIBRENG KISS---“

“Mr. Fernandez! Anong sinisigaw mo dyan?!” Ay! Lagot, nandyan na si Ma’am. Tsk tsk.

“W-wala, Ma’am. I’m just….just….” Hindi nya masabing wala siyang ballpen kaya nanghihiram ito siguradong mapapagalitan lang siya.

“I’m just, what?” naiinip na tanong ni Ma’am. 

“I’m just…just---“

“Ginigising nya po ako, nakatulog po kasi ako kaya sinusubukan niyang gisingin ako.” nakatungong sabi ko. 

“What did you say?! You were sleeping in my class?! Nawala lang ako tapos—“

“Sorry, Ma’am.”

“Okay, fine! Leave the room.”

“Ma’am?” I asked, medyo confused kasi.

“I said, get out! This is your punishment!” Ang terror talaga ng teacher naming toh. Namamahiya talaga ng students. Nakahiya. New student pa naman ako dito sa Wonderstruck university! 

Nakayuko pa rin ako habang kinukuha ko yung gamit ko at naglakad na palabas.

Haaay. Kasalanan ko 'to e.

“Wait.”nagsalita si Gelo. Napatingin naman ako sakanya. Nahihiya talaga ako, kaunti na lang baka maiyak ako dito.

He looked at me.

“Ma’am, ang taba niyo pala kapag iyan ang suot nyo noh? Hahaha!” Natawa rin ang ibang classmates namin!

“Kayo! Grade 11 pa lang kayo! Ang pasaway nyo na. Both of you…” namumula na sa inis si Ma’am nang tinuro kaming dalawa ni Gelo, “GET OUT!”

I saw him smiled at me. Ohmy.

Ayun nga hinila nya ako palabas at saka pumunta kami sa canteen.

Tapos bumili siya ng pagkain…

“Thank you ha! Kainin mo 'to, masarap yan. Favorite ko yan. Sige, Hazel. Thank you.” Sabi niya nagpakilig sa akin. Pero pagkatapos nun umalis na siya.

“Sayang, di pa ako nakakapag-welcome. Haaay.” Bulong ko. Kinain ko na lang yung nilibre niya. Favorite pala niya yung Palabok with shrimps. Masarap nga…ngayon lang ako nakatikim nito. Pano ba naman ipinagbabawal sakin kas…..kasi…hmp!

Allergic pala ako sa shrimps!

-End of Flashback-

Yung nangyari pagkatapos nun? One week akong hindi nakapasok dahil sa allergy. Tapos pagkapasok ko, ayun. Balik sa dati. Akala ko nga papansinin na nya ako pero hindi pa rin pala.

At ngayong Grade 12 na kami. Hindi pa rin kami close, asa pa ko. May nakakausap naman ako pero wala akong itinuturing ka-close.

Haay. Kailan kaya ulit---

“Hi, Hazel! Long time no talk!" 

May nagsalita sa likuran ko. Haay. Sino pa ba edi si Gelo…

WAIT?! GELLO?!

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon