Thirty Two||BP

21K 381 6
                                    



Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Thirty Two

**

Hazel's Point of View


Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay halos apat na buwan akong ginugulo ni Gelo. Ginugulo in the way  na lagi niya akong hinihintay pagpasok at pag-uwi para daw makausap niya ako. Hindi ko alam kung bakit. At wala na akong pakialam. I was hurt really bad. Kaya iniiwasan ko na lang siya. Ano namang mangyayari kung mag-uusap kami? He wanted to talk to me just to accuse me, again?

Sa apat na buwan na iyon ay I focused on my studies and, of course, on my toys para may makasama ako lagi at para hindi makalapit ng husto si Gelo. Sa loob ng four months, naka-5 boyfriends ako. Thank God, walang nadevelop sa amin.

Nakikipagbreak lang ako kapag may ginawa silang ayaw ko at kapag they wanted to kiss me on my lips. Kahit na ganito na ako, malaki pa rin ang respeto ko sa sarili ko. Ang minahal ko nga ay hindi ko hinahayaang halikan ako sa labi...pwera lang doon sa mga pagkakataon na ninanakawan niya ako ng halik. And that's all part of history.

Hindi kami ang family na idinadaos ang Christmas sa ibang lugar. Dahil nga sa busy sa business si daddy ay we just spent our Christmas at home. Lumalabas din kami ng parents ko at syempre nina Neri at Lander. Minsan ay sinasama ni Neri ang napipilitang si Justin.

Ang bilis ng four months na iyon. Walang problema, except sa kakulitan ni Gelo pero nagagawan naman ng paraan. Ano pa bang ginagawa ng mga toys ko?

Kakaresume lang ng class ngayon. Tapos na sa wakas ang Christmas Vacation. Siniguro ko ring wala akong boyfriend sa Christmas break kasi it's my time for myself kaya hanggang ngayon ay wala akong boyfriend...wala akong toy.

Maraming bumati sa akin nang pumasok ako, ganun naman lagi at sanay na ako. Matagal na naman bago ako makapasok sa room namin. Madami kasi talagang bumabati and Lander advised me to entertain them since they can help me to gain people's votes sa pageant. And it's nice naman kahit na medyo nakakairita lang 'yung mga plastik. 

Pagpasok ko ng room ay madami din ang bumati. May mga iba pa ngang napapatingin kay Gelo na nakaupo lang at nakatingin akin. Sanay na ako. Lagi naman niyang ginagawa iyon. Pero sumuko na talaga ako sa kanya.

Si Neri nung nakaraang buwan ay pinayuhan niya akong makinig sa sasabihin ni Gelo kaso hindi ko ginawa. Para saan pa? Tapos na kami at siya pa ang tumapos noon. Kaya wala na kaming kailangan sa isa't isa. At oo, nagkabati na ang magpinsan. Siguro dahil alam ni Neri na nakapagmove on na ako sa pinsan niya.

Si Raiza, ayos lang naman kami. Hindi kami nagkakausap parati pero nagpapansinan naman kami sa tuwing nakikita namin ang isa't isa.

Nagpatuloy kaming lahat sa buhay namin. Ang pag-asa at ang pagtitiwala ko sa ibang tao ang tanging huminto. Hindi na ako basta bastang nagtitiwala sa iba. Ayaw ko na. Tama na muna.

Alam ko naman na darating ang panahon na magmamahal ako ulit at alam ko ring once na nagmahal ka...hindi mo maiiwasan ang masaktan.

Normal lang ang masaktan kapag nagmamahal.

Pero naniniwala akong hindi normal ang sakit na idinulot sa akin ni Gelo. Siguro balang araw mapapatawad ko siya pero kahit na mapatawad ko siya ay hindi ibig sabihin ay magbabalikan kami. Wala ng kami at wala ng magiging kami.


Umupo ako sa seat ko pagkatapos ay napatingin ako sa pwesto ni Justin. Lagi itong nauuna sa pagpasok pero this time ay nauna ako.

Nang umalis na yung mga classmates kong nakipagchikahan ay nakahinga ako ng maayos. Mga plastik kasi iyon. If I know sobrang asar sila sa akin dahil nakukuha ko lahat ng atensyon ng mga nagugustuhan nilang lalaki.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon