Thirty Five||BP

23.8K 387 21
                                    


Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Thirty Five

**

Hazel's Point of View


Nasa labas pa lang ako ng multi purpose ay dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga estudyante. Kasalukuyang ginaganap ang Cheerdance Competition bilang pasimula sa School fair namin.


"Hi Hazel!"

Ngumiti ako dun sa bumating may dala ng isng picture ko, hindi ko siya kakilala pero ngumiti na lang ako.

"Panalo ka na talaga ngayon pa lang! Ang dami ko nang naibentang tickets mo!" masayang sabi nung babae habang ipinapakita sa akin yung mga tickets.

"Wow. Salamat!" sabi ko at hinawakan pa ang kamay niya na lalong ikinatuwa nito.

"Walang anuman! Fan mo kasi ako! Ang tibay mo kasi and I wish I can be like you."

To be honest, hindi ito ang unang beses na may nakapagsabi sa akin nito. Pero nagugulat pa rin talaga ako kapag may nagsasabi non. Maybe because that's what I want to hear.


Nagpaalam na ako dun sa babae nang matanaw ko si Lander. Mabilis akong lumapit sa kanya  at nang nakita niya ako ay mabilis din niya akong sinalubong at hinila dun sa may mga benches.


"Bakit? Anyare?" tanong ko sa kanya.


"Gravity! Tara sa bahay! Sukat mo yung long gown mo!"

Napangiti na lang ako dito. Sobrang excited kasi talaga siya sa pageant. He even told me na nakasalalay ang pangarap niya dito. Ibang klasi lang. Hindi na niya ako pinagbayad sa gown and casual wear. Pero yung sports wear ay ako na ang bumili.

"Kakasukat ko lang non nung isang!" natatatawang sabi ko sa kanya. Bigla naman itong nagpout. Imbis na mairita ako ay natawa na kang ako. Hindi kasi talaga niya bagay.

"Che!" inirapan niya ako.

Tumawa na lang ako at saka siya hinila papasok na ng multi purpose kung saan marami ng naghihiyawan.


Nang nakapasok na kami may grupo ng mga lalaki na palapit sa amin.

"Hazel, don't mind them. They are not from our school. Umeepal lang mga yan. Mga jeje social climber outsiders. Eeew," bulong sa akin ni Lander with full disgust habang nakatingin dun sa grupo ng boys from other school. Kapag kasi school fair ay pweding maginvite ng mga outsiders.


Nung nakalapit na yung mga limang lalaki ay ngumiti na lang ako. Wala naman akong pake kung mahirap o mayaman. Basta mabait sila sa akin mabait din ako sa kanila.

"Hello Miss. Hindi ba ikaw si Hazel Romero?" tanong sa akin ng isa.

Ngumiti naman ako, "Ako nga po."

"Siya nga. Pre, ganda pala talaga niya," narinig kong bulong ng isang kasama nung nagtanong. Mukhang di narinig iyon ni Lander. Malakas lang talaga ang pandinig ko.

"At ano ngayon kung siya?" malditang tanong ni Lander.

"Gusto lang namin siyang makita. Sobrang ganda kasi niya at napatunayan namin na mabait pala talaga siya," puri nung isa pang lalaki sa akin kaya ngumiti na lang ako.


"Pwedi bang magpapicture?" sabi nung isa na ikinagulat ko. Kahit na madami nang nakakakilala sa akin ay walang lalaki sa campus namin except sa mga boyfriends ko ang gustong magpapicture sa akin.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon