Fourteen||BP

30.2K 416 19
                                    

Chapter Fourteen

 

Gelo’s POV

 

“Babes? Ayaw mo bang kami na lang pumunta dyan sainyo?”

[H’wag makulit. Papunta na kami, may dumaan pa kasi sa amin kanina. Bye na muna ha? See you!]

  Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay nila Neri, pumunta kasi ako sakanila para magmadali na si Neri para kapag nandito na sina Zel, sasakay na lang kami. Gusto ko na kasi siyang makasama ulit. Ewan ko ba, eh sa namimiss ko siya agad.

“Oy, magsisimba po tayo, hindi tayo aattend ng debut. Ang OA ng ayos mo, insan.” Kanina ko pa kasi napapansin na tingin nang tingin ito sa salamin tapos lagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ang suot niya. Sa totoo lang bagay naman sakanya pero hindi bagay sa pupuntahan namin.

“You don’t care!” She answered me. Tapos dinagdagan na naman niya ang nilalagay niya sa mukha niya, hindi ko lang alam kung ano yon.

“Hoy Neri! OA na ‘yan ah! Tigilan mo na nga yan! Para ka nang ilalagay sa kabaong niyan eh!” Kinuha ko sakanya yung pabilog na nilalagay niya sa mukha niya na lalong nagpaputi rito. Naaasiwa kasi ako kapag nakikita ko siyang nagpapaganda. Hindi nga nito hilig ang mag-make up lalo na nag mag-dress kaya sobrang nagtaka ako kung bakit bihis na bihis ito ngayon samantalang  magsisimba lang naman kami.

“Ang KJ mo talaga no? Minsan na nga lang ako mag-ayos eh!” Binato pa nito sa akin yung maliit niyang bag. Buti na lang nasalo ko kundi baka magkabukol pa ako, matigas pa naman yung bag na yon.

“Sumosobra ka na ah!” Lulusubin ko na sana siya kaso biglang may bumisina.

“Pasalamat ka.” Kinuha ko na lang yung bag niya at saka nauna na saknayang naglakad, “Hoy Neri! Bilis bilisan mo dyan, naiinip na Babes ko!”

“Wait lang. Papalitan ko sandal yung sapatos ko, ang sakit kasi sa paa eh!” Sigaw nito pabalik.

Napakamot na naman ako ng ulo. Ano bang trip nitong babaeng to?!

Nagmadali akong balikan siya at saka ko siya hinila palabas ng gate. Kung hindi ko pa siya hinila baka maabutan pa kami ng isang oras. Nagdadalaga na si insan.

“Hi Babes.” Nakabukas na yung kotse nina Hazel tapos nakatayo siya sa labas. Simple lang ang suot nito pero halata pa rin ang ganda niya sa mukha. Ngumiti ito sa akin bago niya sinenyasan na mauna nang sumakay sa kotse.

“Mauna kana, Babes.” Hinawakan ko pa siya sa may siko niya para alalayan siyang pumasok.

“Sige na mauna ka na.”

“Hephep, nandito rin po ako. Zeeeel, nandyan na ba si Justin?” Sasabihan ko pa sana na ako lang ang pwedeng tumawag sakanya ng ‘Zel’ nang biglang sumagi sa utak ko si Justin. Sasama nga rin pala siya. Siguradong siya na ang susunod na susunduin nina Tita.

“Babes, pasok ka na.” Mahina kong tinulak papasok si Zel. Kapag siya ang nasa dulo, siguradong ako lang ang katabi niya.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon