Eighteen||BP

22.8K 355 11
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Eighteen

***

Pagkatapos ng ilang beses kong pamumula ng pisngi habang kumakain ay natapos din. Isang oras pa bago magsimula yung movie kaya naglakad-lakad muna kami.

Hindi ko masasabing window shopping ito kasi hindi naman kami tumitingin sa mga stores na dinadaanan namin. Ewan ko ba kung ano itong trip namin basta naka-holding hands while walking kami.

Nang dumaan kami sa isang stand doon ng mga silver accessories, bigla itong huminto at nagtingin-tingin doon. Since hindi ko naman hilig ang mga ganon, nanahimik na lang ako habang nagtitingin si Gelo doon sa part ng mga bracelets.

Umikot ako sa kabila kung nasaan yung mga rings at doon ako nagtingin-tingin. May mga nakita akong magaganda kaso 'di ko hilig magsuot ng mga ganon kaya pumunta na lang ulit ako sa pwesto ni Gelo.

"Babe, come here," aya niya sa akin sabay lahad ng kanyang isang kamay.

Lumapit ako sa kanya at humawak sa kamay nito. Pagkahawak ko doon ay isinuot nito sa akin 'yung isang bracelet gamit ang kanyang isanf kamay.

Napangiti ako at pinisil yung magkahawak na kamay namin.

"Thank you."

Tiningnan ko 'yung isang bilog sa bracelet sa may pinakagitna. May mga curves doon na magkabaliktaran.

"That's a symbol of trust, babe. The curves symbolize our hands. According to the saleslady, it looks like we truly understand each other and we are united," paliwanag nito sa akin kaya lalo kong naappreciate 'yung gift.

"Thank you, babe." Sa pagbanggit ko n'yon ay lumaki ang kanyang ngisi.

"You are welcome, babe."

Pagkatapos n'yon ay pumunta na kami sa 3rd floor kung saan 'yung cinemas. Bumili muna kami ng popcorn and drinks bago pumila since ilang minuto na lang ay lalabas na 'yung mga nasa loob.

"Raiza? What are you doing here?"

Napalingon ako sa likuran namin at nandun nga si Raiza na ngayon ay kinakausap na ni Gelo.

"Sinong kasama mo?" sunod na tanong ni Gelo kahit na hindi pa nasasagot yung nauna.

"I'm alone," tipid na sagot ni Raiza then she turned to me and smiled. Like she's recognizing my presence. I smiled back.

"Ganun ba? Sumama ka na lang sa amin," pag-iinvite ni Gelo rito.

"No, no. It's your date. I can manage myself," nakahinga ako ng maluwag sa naging sagot nito.

"I insist. Okay lang naman kay Hazel 'yon," sabi nito tapos tumingin sa akin.

Kaya no choice ako. "Oo naman! Sama ka na lang sa amin, Raiza," sabi ko habang pinipilit na gawing totoo ang ngiti ko.

"Sure?" sabi nito na patanong. Tumango na lang ako at mas nilakihan ko pa ang ngiti ko.

Ilang sandali lang ay nagsilabasan na 'yung mga tao sa cinema 4 kung saan kami manunuod. Pagpasok namin ay umupo kami sa may bandang dulo. Nasa dulo si Raiza at nakapagitna sa amin si Gelo. I don't know what happened but this is really an awkward formation.

Habang nanunuod ay pasulyap sulyap sa akin si Gelo pero hindu niya ako kinakausap. Siguro akala niya ay seryoso ako sa panunuot at pagkain ng popcorn pero sa totoo lang ay nakatingin lang ako sa screen. Ewan ko ba pero biglang sumama ang pakiramdam ko.

Sa kalagitnaan ng movie ay biglang tumayo si Raiza at nagmadaling umalis. Sinundan ito ni Gelo na hindi man nagpaalam sa akin kahit na madadaanan naman niya ako.

Bigla akong napatingin sa kabibigay lang nyang regalo, 'yung trust bracelet.

Nakaramdam ako ng mga matang napatingin sa akin, siguro'y iniiaip nila na naiwanan ako. Oo, naiwanan talaga ako.

Hinintay ko sila hanggang sa matapos ang movie pero hindi aila dumating. Binuksan na ang ilaw at nagsitayuan na ang mga tao pero 'di pa din ako tumatayo. Gusto ko silang hintayin, baka bumalik dito si Gelo tapos ay wala ako. Pero walang ganoon na nangyari.

Tumayo na ako at lumabas ng cinema na iyon. Gusto kong tingnan kung nagtext ba si Gelo pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan yung phone ko.

Naglakad lakad na lang ako hanggang sa makarating sa may exit pero bago pa ako makalabas ay biglang may  tumawag sa akin.

"Hazel! Hazel!" nakita kong palapit na sa akin si Justin na kakapasok lang sa mall.

"May kasama ka ba?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako at umiling.

"Kung ganon, ako na lang ang maghahatid sa'yo pauwi."

"'Wag na, Justin. Maaabala ka pa," pagtutol ko.

"Hihahatid talaga kita. Pero samahan mo muna ako doon'" tapos ay tinuro nito 'yung store na nasa likuran ko lang. "Please?"

Ngimiti ako at bahagyang tumango.

Pumasok na kami sa National Bookstores.

"Wait lang ha? May bibilin lang akong libro," paalam nito sa akin bago pumunta dun sa Classics section.

"Osige, magtitingin-tingin lang ako dito," sabi ko.

Wala talaga akong hilig magbasa. Nakikita ko pa lang 'yung libro, tinatamad na ako. Nagtingin-tingim ako sa may Best-seller Section. Puro romance ang mga nandoon.

Kinuha ko 'yung familiar na kulay blue na book. Ito 'yung book na kamukha nung pinahiram sa akin ni Justin noon na hindi ko pa nababasa hanggang ngayon.

"Maganda 'yan, Hazel. Pinahiram ko 'yung book ko sayo diba?" sabi ni Justin na nasa tabi ko na. Binitawan ko na 'yung book at tiningnan 'yung mga librong hawak niya. Tatlong libro yung mga dala niya. Grabe, binabasa niya lahat 'yan?

"Nabasa mo na ba 'yung book, Hazel?" tanong nito sa akin.

"Hindi pa," tapos ay ngumiti ako ng bahagya. Nakakahiya kasi. Ngumiti ito at tinap 'yung ulo ko.

"Sayang! Akala ko makikilala mo na si Augustus," huminto muna siya na para bang pinag-iisipan kung itutuloy niya ang sasabihin niya.

"Pero seryoso, Hazel, I can always be your own Augustus Waters," seryosong sabi nito sa akin.

Hindi ko kakilala yung binanggit niya pero tumawa na lang ako. Baka kasi joke niya pala iyon. Ayoko naman siyang mapahiya.

Nagkamot ito ng batok tapos ngumiti na lang. "Babayaran ko lang ito tapos ihahatid na kita ha?"  Ngumiti na lang ako at tumango.

Pagkabayad niya ay pumunta na kami sa may parking lot at saka ko ibinigay yung direction ng bahay namin.

"Thank you talaga sa paghatid, Jus," sabi ko bago lumabas ng kotse.

"Basta ikaw."

Lumabas na ako at kumaway aa kanya. Nang umalis na ito, dun pa lang ako pamasok ng gate.

Iniisip ko 'yung nangyari pero pinipilit kong huwag bigyan ng ibang kahulugan iyon. Hinawakan kp yung bracelet na bigay ni Gelo.

Trust, Hazel.

**

A/N: hindi na po ako mangangako. Sobrang nahihiya na po ako sainyo. Salamat sa patuloy na pagbabasa. -Joycei

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon