Thirteen||BP

28.3K 412 10
                                    

Dedicated to @MissRemarkableToYouthanks po sa support. :)

Chapter Thirteen

 

Hazel’s POV

Hihilain na sana ako ni Gelo papuntng cafeteria kaso pinigilan ko siya. Sinabi ko sakanyang pinagdala siya ulit ni mama ng lunch kaya dito na lang kami kumain.

Pinaupo niya ako sa inuupuan namin kanina nung water break, sa may teacher’s desk. Tapos kinuha niya sa may pwesto ko yung dala kong lunch box. Pagkabalik niya siya na ang nagbukas ng lunch box ko.

Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang ihanda yung pagkain namin.

“Ang tagal mo naman.” Biro ko sakanya.

“Babe naman, tine-treasure ko pa itong moment eh.” Tapos kinindatan pa niya ako. Napailing na lang ako sa kalokohan niya.

“Pero Gelo maiba ako, magkakilala na ba dati sina Neri and Justin?” Wala akong maisip na topic kaya iyon na lang ang tinanong ko kahit na hindi naman ako interasado sa issue between Neri and Justin. Ang boring naman kung wala kaming pag-uusapan habang kumakain.

“Ewan ko ba dun sa pinsan kong iyon, patay na patay siya kay Justin. Hindi naman kasi masyadong pala-kwento si Neri eh. Pero napakadaldal naman niya.” Sagot nito habang ibinibigay sa akin yung kutsara.

“Isa lang ang kutsara’t tinidor?” Tanong ni Gelo. Binuksan ulit nito yung bag para makasiguro.

“Ah, oo. Sa akin lang talaga dapat iyan eh pero kilala mo naman si mama eh. Pang-dalawang katao yung nilalagay niyang pagkain ko.” Kinuha ko yung tinidor sakanya at ipinagpalit iyon sa kutsarang ibinigay niya sa akin. “Ako na lang ang magti-tinidor, ikaw na ang gumamit ng kutsara.”

“Ayaw.” Kinuha nito sa akin yung hawak kong kutsara. “Susubuan na lang kita, babe.”

“Wag na. Baka hindi ka lang makakain nang maayos.” Pagtanggi ko, at saka baka mahirapan na naman akong magpigil ng kilig eh.

“Wag ka nang magreklamo, babe. Wala namang magagawa yan.” Iniangat nito yung kutsara kaya wala na akong ibang nagawa kundi isubo iyon.

   Sunud-sunod na akong sinusubuan ni Gelo. Halos maubos ko na yung pagkain pero napapansin kong hindi pa rin siya kumakain.


“Ayaw mo ba yung ulam?” Tanong ko sakanya, baka kasi ayaw niya ang ulam kaya hindi ito sumusubo. Imposible naman kasing nahihiya lang ito sa akin. Ang taas kaya ng confidence niya.

“Wala naman akong hindi gusto sa pagkain babe. Napansin ko lang na pumapayat ka kaya dapat ikaw lang ang kumain nito.” Sagot nito tapos sinubuan na naman niya ako.

Sobrang busog na ako kaya pinigilan ko na si Gelo nang susubuan pa sana niya ako ulit. Kinuha ko sakanya yung kutsara nang dahan dahan baka kasi mahulog yung pagkain na nasa kutsara. Pagkatapos ay itinapat ko iyon sa tapat ng bibig ni Gelo.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon