Forty Three||BP

19.2K 292 25
                                    

Brokenhearted Playgirl
Written by InnocentPen

Chapter Forty Three
**

Gelo's Point of View

Halos bawat minuto ay tumitingin ako sa phone ko na ang lockscreen ay ang photo namin kagabi ni Zel sa ibaba ng mesa. Palihim na kinuhanan kami ni Lander kaya pinilit ko siya na bigyan ako ng kopya at burahin 'yung kanya.

Wala pa kaming ginagawa ni Hazel sa photo pero iyon yung parehas na kaming nakaluhod.

Mabilis kong kinuha ang phone ko nang nagpop-out na ang name ni Hazel. Sa wakas ay nakareply na siya.

Fr: Babe
Sorry hindi ko nasagot ang call mo. Katatapos lang nila akong ayusan. Just wear black and white. See you!

Mabilis ko siyang nireplyan.

Got it, Babe.

Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa reply niya pero mukhang busy pa ito kaya nagsimula na lang akong maghanda para sa ball.

Patapos na ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya.

"Shit."
**

Hazel's Point of View

Tinatanong ni Gelo kung anong suot ko kaya nireplyan ko ito:

Sorry hindi ko nasagot ang call mo. Katatapos lang nila akong ayusan. Just wear black and white. See you!

Halos isa minuto lang ang lumipas ay nagreply na ito, "Got it, Babe."

Magrereply sana ako para suwayin siya sa pagtawag na babe sa akin nang biglang lumitaw ang name ni Josh sa screen. Mabilis ko namang sinagot iyon.

"Hello?" sabi ko pero walang sumasagot sa kabilang linya.

Pero ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng kaba nang may narinig akong pinipigilang iyak. I know that sound dahil madalas kong gawin iyon.

"Josh?"

Narinig kong tumikhim ito bago magsalita.

"Congrats, Queen," masayang sabi nito pero alam kong hindi siya masaya.

"Don't fake it, Josh," sabi ko kaya natahimik ito.

Pero ilang sandali lang ay nagsalita ito.

"Akala ko mabilis kitang makakalimutan. Sino ba naman ang mag-aakalang matatamaan ako sa babaeng naging 'girlfriend' ko ng isang buwan? Kung girlfriend nga ba ang matatawag doon. Pero sabagay, ikaw ang pinakamatagal. If you only learn to love me and forget Gelo, I will surely take you with me forever but it did not happen. And it will never be."

"Confident ako na makakalimutan kita kaya hinayaan kita na napunta ulit kay Angelo. Pero...Hazel, hindi e. Mahirap. Kapag may bagong toy ka, masakit na. Paano pa kaya kung si Gelo na ang nagbalik? Sobrang sakit, Hazel," muli ko na namang narinig ang pag-iyak nito but this time hindi na niya tinatago.

"J-Josh..." I'm hurting for him.

Bahagya itong tumawa pero isa iyong malungkot na tawa.
"Kung hindi ko hinayaan ang sarili kong maging laruan mo ay hindi sana ako masasaktan ngayon. But I'm too stupid to fall for you this hard."

Tahimik lang akong umiiyak at hinihintay lang ang mga sasabihin niya. I ruined him.

"Did you receive my text message?" tanong nito bigla.

Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang text niya.

Fr. Joshua Layson
Can I be your King even just for this night?

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon