Eight||BP

33.1K 561 45
                                    

Sorry po sa hindi pag-update ng 4 months. Na naman. XD

Apiiirr tayo! Kasi successful ang concert ng ating pinakamamahal na si Daniel Padilla! /m\

Pasensya na po kung napalaki yung spacing, susubukan kona lang na i-edit bukas. Thank you!!

-Xoxo, InnocentPen! <3

Eight||BP

Naiinis ako!

Paano ba naman hindi ako hinatid ni Gelo pauwi. Nanliligaw siya diba? Dapat hinahatid at sinusundo niya ako, ibang klasing lalaki. Argh! Kaya umuwi na lang ako mag-isa. Pagkauwi ko nagstay lang ako sa kwarto ko, nakinig lang ng music at kung ano pa.

“Nasabihan ngang nanliligaw pero di naman hinahatid yung nililigawan. Asar lang!” Humiga ako sa kama habang nakikinig ng mga cover songs ng Boyce Avenue.

“Asar talaga yung lalaking yun! Alam ko naman di ako ganun kaganda pero dapat naman ipagmalaki naman niya ako kasi diba nililigawan niya ako? Argggh!” Nakakainis talaga ako!

“Tapos kanina hindi niya ako pinansin! Nakakaasar lang. habang ako nagmumukmok tapos siya nakikipagtawanan sa mga kaibigan niyang basketball player.”

“Nakakainis lang, hindi na niya ako pinapansin after niya akong niyaya sa plaza mamayang seven pm. Hmp!” Nagpatuloy ako sa pagsasalita ng mag-isa. Oo! Tingin ko nababaliw na nga ako sa inis.

Halos mapasigaw ako ng may humawak sa balikat ko.  Inalis ko ang headphones ko at humarap kay Braiden.

“Braiden! Ikaw lang pala! Ginulat mo ako!”

“Ate Loveee, kanina pa kita hinihintay sa baba. Look!7:45 na o.” Pinakita pa ni Braiden yung relo niya na batman sa akin. Natawa naman ako sakanya.

“Braiden, wala pang seven. 6:45 pa lang oh.” At pinakita ko sakanya yung Digital alarm clock ko sa may study table ko. “And by the way, bakit mo ako hinihintay?”

Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin, “Ate Love, hindi mo ba know?”

“Know? What?”

“Diba niyaya ka ni Kuya sa Plaza?”  Tanong niya at saka siya nag-pout.

“Yes, pero ayaw kong pumunta.”

“Why?! Daliii na ate Love, magbihis ka na. Daliii.”

“Ayaw.”

“Hmp. Why?” Dinadaan na naman ako nitong batang ‘to sa super cute niyang pout.

“Kawawa naman si Kuya dun, Ate Love. Bihis ka na po.” Pinagdikit pa niya ang dalawang kamay niya na parang dinadasalan ako.

“Magdusa siya! May nakita ka na bang manliligaw na hindi hinahatid ang syota niya? Argghhh!”

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon