Nine||BP

34K 504 14
                                    

A/N: Salamat po sa mga nagcocomments and mga nagvovotes! Happy 30K Reads!

Nine||BP

 

Hazel’s POV

 

 

 

“BE MY GF…ZEL.”

*dugdug dugdug dugdug*

    Natulala ako nang marinig ko siya. At tila nagrambulan ang puso ko…dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

“Hihihihihi.”

   

     Tiningnan ako kay Braiden na tumatawa…o baka humahagikgik?

“Anong nangyayari, Bray?” Bumulong ako rito kay Braiden. Nakakahiya naman kasi kung maririnig iyon ni Gelo, baka isipin niyang ‘slow’ ako, sabagay, tama naman ito kung ganon.

    Sinundot ako ni Braiden sa pisngi sabay bulong ng, “Ate Love naman, hindi pa ba obvious? My kuya is asking you to be his girl.”

 

    Napamaang naman ako lalo sa sinabi ni Braiden. Saan ba niya natututunan iyang mga iyan? Talino ha….o baka sadyang slow lang talaga ako? Err—nakaka-bobo nga talaga ang Pag-ibig.

“Ahh..h-hehe.”

“Tapos na ba kayong magbulungan d’yan?”

Sabay kaming napatingin nang magsalita si Gelo. Lumapit na naman  ulit sa akin si Braiden.

“U-uhm, G-Gelo, ano ‘to?”

Gusto ko lang makasiguro, baka nag-aasume lang pala ako.

“Ate Love naman! As what I have said, my kuya wants you to be his girl!” Medyo napalakas na ang pagkakasabi ni Braiden doon, nakulitan na siguro sa akin.

Tumingin na lang ako ulit kay Gelo na ngiting-ngiti. Pero nung nakita niya akong tumingin ulit kay Braiden, ramdam ko ang pagsama ng tingin niya sa kapatid niya. Hmp, seloso talaga.

“G-Gelo, bakit na sayo ‘yang mga aso?” Hawak hawak kasi niya yung mga aso na dumaan sa harapan namin ni Braiden kanina.

“Ate Love, those puppies are mine. Tapos yung masungit na guy kanina yung kaibigan ni Kuya. Talaga pinlano ni Kuya ‘to. Oh, namumula na siya. Ayieeeeeeh!!!” Sinundot pa talaga ni Braiden yung pisngi ko habang inaasar ako.

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon