Forty Two||BP

15.7K 352 14
                                    

Brokenhearted Playgirl

Written by InnocentPen

Chapter Forty Two

**

That happened so slow.

Natulala na lang ako habang nakaluhod pa rin kami sa gilid ng table at kaunti lamang ang distansyang pumapagitna sa amin. Nakahawak pa rin ito sa mukha ko habang nasa balikat pa rin niya ang mga kamay ko.

Humihingal pa ako habang tinitingnan niya ako kaya nahiya ako bigla.

"Dad, nasaan na sila?" Narinig kong tanong ni mommy kay dad. Mahina lang iyom kaya mukhang hindi ito narinig ni Gelo.

Mabilis akong lumayo kay Gelo pero hindi pa ako tumayo. Mabilis kong kinuha ang panyo sa bag ko na nasa upuan at ipinahid sa labi ni Gelo. Mukhang nakuha nito kaya siya na lang mismo ang nagpunas sa labi niya.

Natataranta na ako  dahil hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lipstick nang may narinig akong tumawa sa likuran ko.

Mabilis na lumapit si Lander sa amin at kumuha ng table napkin at inayos ang lipstick ko.

"Ayos na ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito pagkatapos ay humalakhak na naman. Umupo na ako sa tabi ni Gelo na nakangiti.

"Hmm, guys.." Bumaling kami kay Lander na seryoso ang mukha.

"That was hot," sabi niya pagkatapos ay humalakhak na naman at halos matumba sa kinauupuan niya.

"Parang nanuod ako ng live porn! Kaloka!" bulong niya sa amin nang palapit na sina mama. Binato ni Gelo 'yung tissue niya kay Lander kaya tumawa na naman ang huli.

Nakangiting umupo si mama sa tabi ni Gelo habang nakasimangot namang umupo si papa sa tapat. Nakuha kasi ni Gelo yung seat niya.

"Hey, baby. Was it good?" tanong ni mama.

Namula naman ako bigla sa tanong ni mama. Lihim akong napatingin kay Gelo na nasa side ko at nakita kong pinipigilan nito ang labis na pagngiti.

"Huh? Hmm, what do you mean ma?" I tried to act cool.

Nakita kong napangisi si mama samantalang si dad ay nananahimik lang. "I'm asking about the food, darling."

Lalo akong namula sa sinabi ni mama. Alam na alam ng parents ko na ito ang favorite restaurant ko kaya alam nilang talagang nasasarapan ako sa mga pagkain dito and there's no need to ask that. Pero tinanong nila kaya nahalata na kunwari ay hindi nila alam na walang nangyari.

Naramdaman ko ang paghawak ni Gelo sa kamay ko. He was trying to calm me. Hinigpitan ko naman 'yung paghawak ko.

"Of course ma, I really like the food," I said.

Pansin kong pinipigilan ni Lander 'yung tawa niya pero ilang sandali lang ay ang tawa na lang niya ang naririnig sa buong restaurant.

"Hala? Anyare po sa kanya? Nabaliw na ba ng tuluyan?" tanong ni Neri na kababalik lang sa pwesto niya. Kasama niya si Justin.

"Kung alam mo lang ang mga happenings sa bahay ni kuya, girl!" pagkatapos ay muli na namang tumawa si Lander.

"Hmm, excuse me."

Natahimik naman si Lander at sabay sabay kaming napatingin kay Gelo.

"Mr. and Mrs. Romero,  thank you so much for accepting my apology. Thank you for giving me a second and I will do my very best to use it," sabi ni Gelo.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

Tumingin ito saglit sa akin at ngumiti pagkatapos ay muli siyang tumingin sa mga parents ko.

"I will ask again a permission to court her. May I court your daughter?"

Mukhang kinikilig si mama sa ginawa ni Gelo kaya hindi makasagot. Tumikhim si papa at nagsalita.

"Sorry, baby," sabi ni papa sa akin kaya kinabahan na ako. At alam kong pati siya. "She's just seventeen and if you really like her then you have to wait until both of you graduated in College."

Napalo ni mama bigla si papa pero hindi naman malakas, "Do you plan to let our baby be an old maid?!"

"If I only can, I will," sabi ni dad.

Magrereklamo na sana ako kay dad kaso mahinang hinila ni Gelo ang kamay ko kaya natigil ako.

"I am willing to wait, Tito," sabi niya. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni papa sa pagtawag ni Gelo ng Tito kay papa pero mukhang okay lang sa kanya iyon.

"But--" hindi natuloy ni mama ang pagrereklamo.

"Honey, you have to understand me. I forgive him for what he did, but we are talking about the trust here," diretsang sabi ni dad. These are the times na nagiging too straight forward si papa.

Tumahimik si mama at parang sang-ayon na rin kay dad. At ako unti unti na rin ang pagsang-ayon ko. May narealize ako sa sinabi ni dad.

Ayokong makipagrelasyon muna sa kanyang hangga't hindi pa nabubuo ang trust ko sakanya uli. Pero siya lang talaga, siya na lang.

Naramdaman ko ang paghimas ni Gelo sa kamay ko kaya nabalik ako sa realidad.

"I agree to Dad, Gelo."

Ngumiti ng matamis sa akin si Gelo at sinabing,

"I am not going to change even if it will take more than five years."

**

A/N: Hey guyyyys! I am so sorry for the delay. Busy lang po talaga. Nagpapakahenyo ako sa course ko. Hahaha, echos lang! Sorry kung maiksi, siningit ko lang po talaga sa free time ko. I can't ud tom, kahit na Araw ng Kalayaan ay hindi pa rin ako malaya that day! Haha love love guys. -Joycei♥

PS: Hi sa totoong Josh Layson na binabasa ngayon 'to. Back off, dude! Kundi susumbong kita kay Gelo jk :p

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon