Chapter 21

19 7 0
                                    

Asar

"Thank you guys," I say to them all with a smile.

"Welcome. Grabe talaga si Stephen may pacake at patarp pa sayo eh." Untag ni Laura habang sinusundot-sundot ang bewang ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Ayiee." Kantyawan ng lahat sa maligayang tono samantalang walang reaksyon galing kay Marsan at pangiti-ngiti naman si Stephen. Napapangiwi na lamang ako sa iritasyon ng pang-aasar nila.

"Totoo ba talaga yon Stephen na kaya ka nagshift is because of a girl? I thought you'll never date girls seriously. I thought you'll only gonna play." Laura ask curiously.

"I play because of her." Nakangiting saad niya at sumulyap pa sa akin.

"What was the reason? Did she reject you?" Tanong pa ulit ni Laura.

"Always. All the time." Nakangiti pa rin niyang saad but this time ay tinitigan na talaga niya ako nang matagal. I can see sadness written in his eyes. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso. Maybe because I'm guilty, I say to myself.

"Who's that girl ba? Ang swerte naman niya?" Pasaring ni Sandra sa akin na may pag-irap. 'Hey what? Di ka pa rin ba nakakamove on kay Stephen?!' Halos isigaw ng isip ko iyon.

"That girl must be in Civil Engineering too, kasi di naman lilipat si Stephen sa Engineering kung wala doon yung girl." Clara concludes then her attention is on her phone again.

"Baka alam mo kung sino Française?" Mapanuksong tanong ni Laura sa akin, mukhang may hinuha naman sila na ako 'yon.

"No, I don't." Simple kong sagot. The girls have a clue but for the boys si Marsan at Rouge lang naman ang may alam pero di nila ako inaasar ngayon. I am wondering how did Laura know that?

"Alam niyo girls nagiging nosy na kayo masyado noh?" Naiinis na gagad ni Stephanie. "Huwag niyo pakialaman ang kuya ko at si Ate Française." I thought she would defend me pero pinahamak niya lang ako lalo. Napairap ako sa inis, kahit kailan ay napakulit niya din katulad na katulad niya ang kanyang kapatid.

"Oh. So it's true, this little girl already confirmed it. Kayo ba talaga ha? May Franstep ba talaga?" Ask by Laura with full enthusiasm.

Nakatinginan sila Jonel at Clarence saka nagpeacebump.

"Sabi na nga ba." Sabay pa nilang sinabi.

"Ikaw ha, Stephen di ka nagkukwento sa amin. Nabusted ka na pala, di pa namin alam." Mapang-asar na saad ni Jonel.

"Let's end this asaran. Mag-videoke na lang tayo guys." Pagyaya ni Rouge. "Ako lang dapat nang-aasar dito sa pinsan ko."

"Hindi naman Kuya Rouge. Nagtatanong lang ako." Pagtatanggol ni Laura sa sarili. He pats her head at ginulo niya ang buhok nito. Rouge puts his so heavy arms on my shoulder. We went to the KTV room at nagkasya naman kaming lahat doon.

Laura picks a song for Stephen. "Dahan by December Avenue." She say it out loud at inabot kay Stephen ang microphone. She tapped the corresponding number kaya nagplay na yung kanta.

Stephen starts to sing the song at naghiyawan sila Jonel sa kanya.

"Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan,"

"Wooo naluha ka pale pre? Di naman ata, parang ikaw yung nagpapaluha eh." Pang-aasar ni Jonel na ngiti lang ang isinusukli ni Stephen.  In my opinion, Stephen has a good voice like Marsan's.

" Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko."

"Alam na kaya." Gatong naman ni Clarence.

More Than Just A KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon