Chapter 6

71 9 0
                                    

Merci

" Française, tingnan mo." Tawag sa akin ni Stephen subalit hindi ko siya pinansin at sa halip ay tumungo na lamang ako.

"Hindi mo man lang ba titingnan ito? Sayang ang ganda mo pa naman dito."

"Çaise," Tawag niya ulit ng may pagkulbit, " bakit hindi ka namamansin? Galit ka ba? Tingnan mo kasi 'to!" Tiningnan ko siya ng masama. Itinapat niya sa akin ang kanyang cellphone.

" What the heck?! Burahin mo yan!" Nanggagalaiti kong sabi at hinampas ang kanyang braso.

He chuckles.

"Bakit naman? Ang ganda mo nga dito eh. Ang saya saya ng mukha mo." Sambit niya nang may paghawak pa sa kanyang tiyan. " A picture of you smiling, so nice."

" Akin na 'yang phone mo. Isa, dalawa,"

"Tatlo," sambit niya at mabilis na kumaripas ng takbo palabas.

Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami ng guidance council.

"Stop there!" I cornered him and I clenched my fist. Sinuntok ko ang tiyan niya at kinuha ang kanyang phone. I saw myself smiling in that picture, kinuhanan yung picture na 'to pagkatapos ako ihatid ni Marsan. Even though I don't want to, I decided to delete my picture.

" I wish you just kissed me. But it's okay I have many copies of that pic," He laugh and run away.

"What happened to you, Iyah? It seems like you lost something." Napatalon ako nang nasa harapan ko na bigla si Marsan.

" It's nothing, I'll go get my bag." I excitedly run fast.

Inayos ko ang mga libro na nakapatong sa desk ko at isinilid ito sa aking bag.

"Iyah, sabay na tayong umuwi." Nakangiting sambit sa akin ni Marsan. " Pero bago 'yon may dadaanan lang ako sa mall. Pwede mo ba akong samahan?"

" Oui, oui, I mean no. Yes pala." Nahihiya kong sambit at pakiramdam ko ang init ng mukha ko.

" Merci." Nakangisi niyang sambit.

Sumakay na kami ng tricycle na patungong mall.

" Kamusta pag-aaral mo?" Bigla niya na itanong sa kalagitnaan ng aming katahimikan.

" Ayos naman."

"Basta kung kailangan mo ng tulong sa Calculus, pwedeng pwede mo akong lapitan."

"Thanks," ang tangi kong sagot sapagkat ikinukubli ko ang aking ngiti. Bakit ba ang bait bait niya sa akin? Hindi. Hindi. Kaibigan lang siguro ang turing niya sa akin at mali ang iniisip ko.

" Lalaban ka ba sa darating na tournament?"

"Oo. Ikaw?"

"Oo. Galingan mo ah. Kaya dapat araw-araw na yung training natin."

"Anong oras ba ang training bukas?"

"8am."

"Kinakabahan ako sa laban. I'm sure I can't make it." Malungkot kong saad.

"Ikaw pa ba? Si Iyah na malakas at matapang. Kaya mo yan. I'll cheer for you."

Huminto na ang tricycle sa tapat ng mall. Bumaba na kami pareho ni Marsan. Inabot niya sa driver yung bente at inabot ko naman sa kanya yung sampu.

"Libre ko na." Nakangiting niya sambit habang papasok kami sa mall. I feel the good scent at cold temperature na pinakagustong-gusto kong bagay.

"Lagi mo na lang akong nililibre. Nakakahiya na sayo." Sabi ko while looking at the stalls.

More Than Just A KickWhere stories live. Discover now