Chapter 10

59 7 0
                                    

Marthim and Rouge

Isang linggo na ang nakalipas, isang linggo na akong iniiwasan ni Stephen, isang linggo na akong nagpapakabusy kaya hindi na rin kami nagkakasabay ni Marsan. Malapit na yung laban namin sa taekwondo kaya puspusan na ang aming training.

Ngayon ay training namin. Nandito ang tatlo babae pero tahimik lang sila dahil nahihirapan pa silang sumipa. 45 kick palang ang kanilang ginagawa ngayon. At ako ang nagtetrain sa kanila.

Itinuro ko kung paano sumipa ng tama, madali lang naman silang matuto. Sanay na siguro sa mga pakikipag-away pero ngayon hindi na sila pwedeng makipag-away dahil kailangan may self-discipline sa Taekwondo.

"Ganito bend your knees habang nakatagilid kayo at naka-fighting form ang inyong kamay. Itaas mo ang kanang paa mo. Flip mo muna habang nakapivot ang kaliwang paa mo tas balik mo uli sa flip saka mo ibaba sa dating pwesto." Paliwanag ko.

"Okay." Sagot ni Laura. "Mas magiging magaling pa ako sayo." Sabi niya ng sisipa sana kaso tinaas ko ang kickpad.

"Hindi lang self-discipline ang taekwondo. Humbleness din." Seryoso kong sambit sa kanya at binalik na uli ang kickpad.

"Ok." Mataray pa rin niyang sagot rolling her eyes.

Nang matapos na akong i-assist silang lahat ay si Jonel ang nang-hold sakin at ako din sa kanya.

"Bakit hindi mo daw pinapansin si Marsan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jonel.

"Busy ako." Maikli kong sagot at pinasipa na siya ng roundhouse o yung 45 na mataas. Five sets muna ng nakastay sa pwesto tapos alternate at pagkatapos yung 360 kick.

Sa lakas ng pagkakasipa niya ay tumalsik ang kickpad. Napunta iyon malapit sa paa ni Marsan.

Nakangiti niya itong dinampot at lumapit sa amin at inabot sa akin.

"Long time no see, Iyah." Nakangiti niyang bati sa akin.

Ngumiti lang ako at hinawakan ko na ang kickpad. Nagsimula ng sumipa si Jonel ng ganun ulit hanggang sa makabalik kami sa dating pwesto.

At ako naman ang gumawa niyon.

"Power ah," a remark by Jonel again.

"Sure." Nakangiti at pursigido kong sagot at nagsimula ng sumipa. Ngunit hindi katulad niya na napatalsik ang kickpad. Hindi ko kaya iyon.

Nakakapanibago pala kung dati laging may makulit at maingay na nagchi-cheer para sakin. Ngayon seryoso na at tahimik. Nandito nga din pala yung girlfriend niya at nanonood. So seryoso talaga sila? Kahit bawal siyang mag-girlfriend, sila pa din? Napairap ako sa kaisipang iyon. Aish! Kasi naman iiwasan ako dahil gusto niya daw ako at bawal siya maggirlfriend. Tapos may girlfriend, kaya hindi talaga ako naniniwalang may gusto siya sa akin kahit nakita ko siyang umiyak. Aish... Gulo.

Nang mag-water break ay nakita kong lumapit si Tony kay Stephen at binigay ang tubig at pinunasan ang pawis niya.

Uminom na lang ako ng tubig, napansin ko namang nasa tabi ko si Stephanie.

"Francis," tawag niya sa akin. Hindi pa man ako tapos uminom kaya itinigil ko agad.

"Ano?"

"I'm sorry. Dahil sakin kaya hindi ka pinapansin ni Stephen. Dahil sakin kaya nagalit si Mom sayo. Sorry kala ko kasi susuportahan kayo ni mom eh."

"It's okay. It's better off this way lalo't hindi niya ako ginugulo at kinukulit. Mas masaya nga ng wala siya eh. Mas magaan ang paligid ko. Okay ako na wala siya." Pag-amin ko sa sarili ko na rin at kay Stephanie.

More Than Just A KickWhere stories live. Discover now