Chapter 9

54 7 0
                                    

Research

Stephen is so unusual today because this one is so quiet, not to mention that he is asleep at nakatungo siya sa desk niya. Finally, natahimik din ang buhay ko. Kaya nga lang ay bigla siyang humarap sa akin.

"We're in trouble."

"Huh?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Basta kapag nakita mo si Stephanie. Huwag mo siyang pansinin. Huwag kang sasama sa kanya. Saka di na rin kita kakausapin simula ngayon."

Hearing that from Stephen hurts me a bit but also made me calm. Wala na kasing mangungulit sa akin. Napangiti ako ng malungkot. Naku-curious din ako sa dahilan niya para tigilan na ako

"Pero bakit-" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay dumating na ang professor namin sa communication arts.

"Good morning so today I'm going to group you into three for your research in my subject that you'll need to submit before the finals."

Sari-saring usapan ang naganap sa room habang ina-announce niya ang groupings.

"Mr. Kennedy, Ms. Marseille and Ms. Ligaya."

Si Antoinette Ligaya ay kagrupo namin?! Siya na gustong gusto si Stephen. Palagi niyang binibigyan ng pack lunch si Stephen at sabay sila minsan kumain, tinatanggap kasi ni Stephen ang anumang binibigay sa kanya ng mga babae, lalo na kung maganda. The typical playboy. Tch.
Kaya naman hindi talaga ako naniniwala sa mga pambobola ni Stephen eh.

"So, saan tayo gagawa?" Pagsisimula ni Antoinette

"Your place or mine?" Makahulugang tingin ni Stephen kay Antoinette. Pagdating talaga sa kalokohan, ang daming alam ni Stephen.

"Your place na lang," Malanding tugon ng babaeng nasa harapan ko. Katabi ko si Stephen at nakaharap habang nakacross-leg siya. Maganda siya, maputi at makinis ang kanyang balat. Yun nga lang ay hindi ganoong matangos ang kanyang ilong. No body's perfect, kahit ako. May maliit na peklat ako sa baba at mga stretch marks naman sa tuhod.

"Oh, I see. What about you? Wanna come with us?" Baling niya sa akin.

"I don't know-"

"Cut that crap, di tayo pwede magkanya-kanya ng gawa." Pambabara ni Stephen sa akin pero kay Antoinette siya nakatingin.

Simpleng irap ang tangi kong ginawa.
Subalit nakita iyon ni Antoinette. Tumawa lang siya ng mapakla.

"I think someone is jelly."

"Who's Jelly? May kaklase ba tayong ganon?" Kunyaring painosenteng tanong ng kutong lupang lalaki na 'to.

This girl burst into laughs. "You're so funny Stephen, that's why I like you."

"Hindi ako nagseselos. Naalibadbaran lang ako sa inyong dalawa." na siyang totoo naman.

"I like you, too." Sagot ni Stephen kay Antoinette, na siyang ikanangiti nang malapad ng babaita.

"Enerbe, simula ngayon boyfriend na kita huh. You're my bebe Stephen. Cute mo talaga. Maputing version ka ni Stephen Curry, pero bakit hawig mo din si Ban Ryu ng hwarang?"

"Ano ba? Puro landian na lang ba ang pag-uusapan natin? Kung oo, aalis na ako."

Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa landian kaya tumayo na ako at lumabas na. Laking gulat ko na nag-aabang sa akin si Marsan sa tapat ng pintuan.

"Badtrip ka?"

"Wala yun."

"Nakakunot kasi ang noo mo paglabas mo eh."

More Than Just A KickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon