JHOPEEEEEEEEEE (70)

75 2 11
                                    

"Angel why you stepped over Hobi hyung ba? Mas pinapahirapan tuloy kami sa practice, napakamoody niya", reklamo ni JK,

"Oo nga kanina napag initan pa ko kahit hindi naman ako nagkakamali", nakangusong sabi naman ni V,

Andito sila ngayon sa dating bahay namin ni Hoseok dahil ininvite ko sila for dinner,

Kasabay na kami ni Hoseok bumalik dito sa Korea hinintay lang naming makasal sila Cynth, month after their wedding ay sabay sabay kaming bumalik dito, and now 5 months na kaming nag stay here and luckily binigyan agad kami ng baby ni Hoseok, I am 3 weeks pregnant.

Habang ang ibang members ay naghihintay na sa dining area kasama si Cynth tapos si Hoseok naman ay nasa kwarto at magbibihis daw ay nagpresinta si JK and V na tulungan akong maghanda ng pagkain, siguro para magsumbong,

Hindi ko naman matandaang nahakbangan ko si Hoseok, pero ang moody nga niya lately di ko nalang pinapansin. At minsan din ay bigla bigla nalang siya nasusuka lalo na paggising niya sa umaga,

"Baka pinaglilihihan ka ng hyung mo V", tatawa tawang sabi ko sakanya,

"So your baby will going to look like me?", biglang nagliwanag yung mukha niya,

"Yep maybe", sabi ko kaya nagpapalakpak siya sa tuwa,

"Yeheyyyy!-", naputol ang pagdidiwang niya nung pumasok sa kusina si Hoseok,

"Yah Taehyung! Kung may makakamukha man yung baby ko it should be me, ikaw ba tatay ha?" Taas kilay na sabi nito,

"Jagi nagbibiruan lang naman kami eh", saway ko sakanya, saka ako humarang kay V,

"Lah Angel biro lang yun? Akala ko naman true", biglang lumungkot yung mukha ni Taehyung,

"Aba-t", hinila na ni JK si V bago pa makapagsalita ulit si Hoseok,

"Ang sungit mo", nakangusong sabi ko sakanya,

Lumapit siya sakin at hinalikan ako ng mabilis sa labi,

"Sorry naaa.. Ikaw kasi eh, dapat ako lang kamukha ng baby ko", hinawakan niya yung bandang tyan ko at hinalikan ito.

Ang sarap pala sa feeling pag kasama mo yung tatay ng anak mo habang pinagbubuntis mo to!

3 months later..

"Waaaaah ayaw kitang makitaaaa! Si Taehyung ang gusto kong makita! Dalhin mo siya ditoooo", umiiyak na sabi ko, tinutulak ko siya pag nagpipilit siyang lumapit sakin at hawakan ako,

"Why? What I have done? Jagi c'mon let me stay by your side", lalapit ulit siya sakin kaya mas lumakas ang pag iyak ko,

"Iho sige na dun ka nalang muna sa dorm niyo, tinotoyo nanaman yung asawa mo", pumagitna na samin si tita,

"And please tell Taehyung to come here, I want to see him", parang batang sabi ko.

"Psh jagi naman eh", maiiyak na reklamo niya pero ayaw ko pa rin na hawakan niya ko.

Lumapit sakin si tita para patahanin ako, si Hoseok naman ay tumalikod na at mukhang masama ang loob na lumabas ng kwarto,

Di ko alam pero biglang ayoko siyang makita at first akala ko sakanya napunta ang paglilihi but a month passed biglang ako ang suka ng suka, at lately nagiging moody din ako at emotional, pero ngayon lang dumating sa point na pinapalayo ko si Hoseok sakin, part daw ng pagbubuntis ang pagiging emotional and since asawa ko si Hoseok kaya siya ang napagbubuntungan ko, saka mas gusto ko ring nakikita si V kaysa sakanya, kaya madalas niya tong pinagseselosan,

Last month ay galing kami sa OB ko for monthly check up, healthy naman yung baby ko pero medyo maselan dahil hindi ganon kahigpit ang kapit nito, kaya masyado silang hands on sa pag aalaga sakin, esp tita dahil nga kahit gustuhin ni Hoseok na alagaan kaming mag ina ay tinutulak ko siya palayo dahil lagi akong sinusumpong ng pagkatoyoin, but minsan naman pag umandar yung moodswing ko gusto ko naman na lagi siyang nakikita. Mabuti hindi ko to naranasan nung si Janeah ang ipinagbubuntis ko kundi iiyak lang ako ng iiyak dahil kahit gustuhin kong lagi siyang makita nun ay malabong mangyari dahil malayo siya sakin.

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now