JHOPEEEEEEEEEE (42)

68 2 18
                                    

"How are you feeling?", nag-aalalang tanong ni Yoongi,

"Here, drink this", sabi ni JK saka abot sakin ng tubig,

Nakaupo ako sa couch at sila naman nakapalibot sakin,

Inalalayan nila akong pumasok dito sa loob ng mapansing nahihirapan akong huminga kanina,

Sino ba namang hindi mahihirapang huminga? Ang hirap ihandle nung sakit,

Nag umpisa nanamang magsipagtuluan yung mga luha ko,

Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko, hindi mawala sa isip ko yung pagdampi ng labi ni Danica sa labi ni Hoseok,

Why did you do this to me?

"A-Ang sakit sakit!", sabi ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko,

Nataranta sila ng mapahawak ulit ako sa dibdib ko,

"Angel-ah! Stop crying na! Nahihirapan kaming makita kang ganyan!", nag-aalalang sabi Jin,

"I-I don't even know how to deal with this, I can't stand the pain-", hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla akong yakapin ni Jimin, nakasubsob yung mukha ko sa dibdib niya habang hawak hawak niya yung ulo ko,

Mas napahagulgol ako dahil sa ginawa niya, di ako natatakot na ilabas yung nararamdaman ko lalo na't alam kong may karamay ako,

"Stop crying na jebal!", ulit ulit na bulong niya,

Naramdaman ko ding nagsipagyakapan yung mga members, dahil dun ay hindi ko naramdamang nag-iisa ako,

Siguro napagod na yung mata kong lumuha kaya wala ng lumalabas dito or baka dahil pinipilit ko ng pigilan ang sarili kong umiyak pa dahil inisip kong ang araw na to ay para kay Jin and Cynth, isasantabi ko muna yung nararamdaman ko, ayokong masira yung araw nila,

Nagpaalam ako sakanila at pumasok muna sa kwarto para ayusin yung sarili ko,

Grabe nakita na nila kung gaano ako kahina.

Naghilamos ako at inayos yung buhok ko,

Tinignan ko ang oras at 2 oras nalang pala ay nandito na sila Ran,

Kinuha ko yung curler sa maleta saka ko inayos yung buhok ko, naglagay din ako ng concealer para hindi ganong halata yung pagkamaga ng mata ko,

Maya maya pumasok si Jimin buhat buhat yung natutulog kong anghel,

"Salamat Jimin", sabi ko ng maihiga niya si Janeah,

"Ayos ka na?", tanong niya,

"Kailangang maging ayos eh, isasantabi ko muna yung nararamdaman ko", sagot ko saka ngumiti ng pilit,

"Nandito lang ako for you okay?" Sabi niya saka ngumiti at lumabas na,

Nagbihis na din ako ng damit, nagsuot ako ng thalia top and floral skirt na hanggang talampakan ang haba, pinartneran ko naman to ng floral na headband,

Medyo expose yung tyan ko dahil sa suot ko pero okay lang yan, hindi naman ganon kalaki yung tyan ko eh kaya hindi masagwa, saka matagal ko na ring tinitreatment yung stretch marks ko kaya nagfade na rin siya,

Pagkatapos ko mag ayos ay binihisan ko na din si Janeah, natutulog pa si baby kaya lumabas muna ko,

Paglabas ko sa sala ay sinalubong ako ni RM,

"Oh akala ko nabagsak mo?", tanong ko ng makitang inaabot niya sakin yung phone ko na buong buo, wala man lang basag,

"Sorry for lying, hindi talaga siya nabagsak Gel, tinatago lang namin to dahil baka maisipan mong mag online at mapanuod mo yung video, mianhae", nahihiyang sabi niya,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now