JHOPEEEEEEEEEE (20)

89 4 0
                                    

"Bakit ayaw mong sagutin?", tanong ni Ran nang mapansing nakatitig lang ako sa cellphone ko,

"Kinakabahan kase ako eh", sagot ko,

"Baka nagkausap naman na sila ni Hoseok, so wag ka ng kabahan, sagutin mo na", sabi niya sa tumalikod na,

Sana nga nagkausap na sila,

So gaya ng sabi ni Ran sinagot ko na,

"Jimin?", bungad ko,

"Parang ayaw mo na kong makausap ah?", bungad niya,

"Oy hindi ah, natatakot lang ako baka galit ka sakin", sabi ko,

"Angel, alam mong hindi ko kayang magalit sayo! And besides nagkausap na kami ni Hoseok hyung", sabi naman niya,

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko,

"Yung about sa diapers" nagulat ako sa sinagot niya,

Huh? Diaper talaga?

"Hoy di ko maintindihan? Anong diaper sinasabi mo jan?", nagtatakang tanong ko,

"Yung million of diapers na binili ko kay Jaja sabi ko bayaran niya kahit 2 gives", nasamid ako sa sagot niya,

Dork!

"At talagang diaper pa ang pinag usapan niyo ah", sabi ko sakanya,

"Hahaha biro lang, edi binatukan ako nun, pero seryoso Angel, gusto kong maging masaya ka at ang anak niyo kaya hindi na ko hahadlang pa, pero sinabi ko kay Hobi hyung na isang maling gawin niya lang kukunin ko kayo sakanya, ayokong nasasaktan ka Angel, kaya kahit anong mangyari kahit magkalayo man tayo at hindi man ako ang kasama mo, I will protect you", sabi niya kaya biglang tumulo yung luha ko,

I don't deserve this man, sana makahanap siya ng babaeng talagang magmamahal sakanya, deserve din niya ang sumaya,

"Maraming salamat Ji", sabi ko nalang.

"Anything for you My Angel, basta don't forget na nandito lang ako lagi ah, sige na ibababa ko na.", sabi niya,

"Hmm babye", sabi ko saka inend na niya yung call,

He's really an Angel.

"Oh ano napag usapan niyo?", tanong ni Ran pagpasok ko ng kusina,

"Papabayaran niya daw kay Hoseok yung diapers", tatawa tawang sabi ko,

"Ay walangya! Seryoso?" Gulat na tanong niya,

"Syempre charot lang, funny mo! Pero seryoso bes okay lang daw sakanya hindi daw siya hahadlang basta para sa kaligayahan ko", nakangiting sabi ko sakanya,

"Awww ang sweet naman. Edi wala na palang problema? Osige na bes maghahanda na ko ng dinner" sabi niya,

"Tulungan na kita", sagot ko saka kumuha ng plates and utensils,

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain,

Binilisan ko lang naman tapusin ang pagkain ko dahil baka magising na si Janeah,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now