JHOPEEEEEEEEEE (59)

62 2 5
                                    

Lumipas ang maghapon na nagstay lang kami sa bahay, sila Ran pala ay umuwi na ng Manila dahil may trabaho si Paul kinabukasan, ni hindi na tuloy kami nakapagkwentuhan pero binilinan niya kong ipaalam kay Janeah yung totoo bago sila umalis,

Pero mukhang hindi ko pa siya mapagbibigyan dun,

"Tita saan ka po pupunta? At ano yang dala mo?", tanong ko nung mapansing nakaayos siya at may bitbit na paperbag, naaninaw ko na may laman itong tupperware,

"Sa Haven iha, dadalhan ko lang nitong bicol express sila Yoyong", sagot niya kaya tumaas yung kilay ko,

Alam nga pala niyang sa lodge ko nag sstay ang bangtan, at kating kati siyang makita si Yoongi nung malaman niya yun,

"Why do you have to do that? May food naman sila dun for sure tita, and alam mo naman yung sitwasyon namin diba?", kunot noong tanong ko sakanya,

"Iha, kung ano man yang sitwasyon niyo na yan, labas ako dyan, hindi tayo mga bata na kung sino ang kaaway ng isa ay kaaway na ng lahat. Hays mauna na ko at baka lumamig pa to", sagot niya saka tumalikod na,

Sabagay tama naman siya, pero baka mamaya ano maisipan niyang gawin eh, kilala ko pa naman si tita, at para rin siyang si manong na pinupush na makipag ayos ako kay Hoseok, samantalang dati isa siya sa naghihimutok dahil sa ginawa nito, ay ewan ko ba sakanya,

Gusto nilang makipag ayos ako kay Hoseok kung siya nga tong walang ginagawa, ano iiyak ka lang jan? Pero kahit naman pala may gawin siya, matigas na yung puso ko, di na siya kilala nito,

"Sis ikaw di ka ba pupuntang lodge?", tanong ni Cynth habang kandong kandong si Janeah na naglalaro ng manika niya,

Kami lang ang naiwan dito, si Mark ay may duty sa Hospital si Vern naman ay pinapunta muna ni Cynth sa Swynth,

"Hindi sis, kinausap ko naman na si Nicole eh, sinabi kong tawagan nalang ako pag may problema", sagot ko sakanya,

"Para tayong pinaglalaruan ng tadhana no?", napatingin ulit ako sakanya dahil sa sinabi niya,

"What do you mean?", tanong ko,

"Yung kung kailan nakamove on ka na saka ka ulit guguluhin", seryosong sagot niya,

"Nakamoved on ka na ba talaga?", derektang tanong ko,

Ngumiti muna siya ng pilit bago sumagot,

"Hindi naman siguro ako magmamahal ng iba kung hindi pa ko nakakamoved on sakanya", sagot nito,

Pero bakit parang hindi akma yung sinasabi niya sa nararamdaman niya,

"Paano kung bumalik si Jin? I mean humingi siya ng tawad at pangalawang pagkakataon sayo? Wala na talagang pag-asa kahit anong gawin niya?", seryosong tanong ko kaya sumeryoso din yung mukha niya,

"I don't think our past relationship need a 2nd chance, besides nagkatrauma na tayo magmahal ng sikat diba? Saka ayokong masaktan si Vern", sagot niya, bakit pakiramdam ko ay hindi niya pinupunto masyado yung sagot niya,

"Eh ikaw?", biglang dagdag niya,

"Hmm?", tataas taas kilay na respond ko,

"Wala ka na bang balak na buuin yung pamilya niyo? Yung makilala ni Ja-", di niya naituloy yung sasabihin niya dahil baka marinig ni Janeah,

"Sa totoo lang hindi ko talaga alam, last night ang dami niyang sinabi pero parang walang nag sink in sa utak ko, hindi ko alam kung ano na ba talaga yung nararamdaman ko. Syempre gusto kong mabuo yung pamilya namin pero paano? Wala na talaga akong maramdaman, masyado ng nakain ng hinanakit yung puso ko, gusto ko ding sabihin ang totoo sa anak ko pero ayokong masaktan siya tulad ko, masaktan siya pag nalamang hindi kami ipinaglaban ng tatay niya, isa pa iniisip ko si Mark, ayokong ipagdamot sakanya yung saya na dulot ni Janeah sakanya kaya ewan ko nahihirapan ako", napapailing na sabi ko,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now