JHOPEEEEEEEEEE (66)

75 3 14
                                    

Bukas na ang alis nila pabalik sa Korea kaya magkakaroon ng salo salo ngayon dito sa bahay.

"Nakakalungkot, wala na tayong madadatnang aso pagbalik natin ng dorm", malungkot na sabi ni V,

Kasabay pala nung nangyaring insidente ay tumawag ang isang staff ng bighit at sinabing namatay si Hani, yung aso ng bangtan, matanda na yung asong yun kaya baka yun ang dahilan kung bakit ito namatay.

"Hayaan mo na V hyung baka gusto na talagang magpahinga ni Hani", sabi naman ni JK,

Nagpaalam kami ni Hoseok na aalis na, ako lang dapat mag isa ang pupunta sa palengke pero gusto daw niyang sumama,

Di ko maimagine na ang isang superstar na tulad niya mamamalengke,

Hindi kami magkokotse dahil napakatraffic kaya motor ang gagamitin namin,

Nakita kong hindi siya magkandatuto sa pagsusuot ng helmet kaya tinulungan ko siya,

Sinuot ko na din yung sakin at binuhay na yung motor,

"Jagi, baka isemplang mo ko", nag-aalalang sabi niya bago umangkas sa likod ko,

Di na ko sumagot,

Sinimulan ko ng paandarin yung motor at nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa bewang ko,

Naririnig ko pa siyang sumisigaw na wari mo nakasakay ng rides, jusko,

Inihinto ko yung motor nung maramdaman yung ginagawa niya,

"Yah what are you doing?", saway ko at inalis sa pagkakalilis yung damit ko,

Yung mokong na to sinasamantala yung pagkakayakap sakin at talagang nanghihimas pa ng tyan, ayaw niyang sumemplang pero sa ginagawa niya masesemplang talaga kami dahil nakikiliti ako,

"Sorry jagi hehe", inirapan ko nalang siya at sinabing sa balikat ko nalang humawak pero mas gusto niya daw nakayakap, ang arte tss.

Almost 25 minutes din ang binyahe namin bago makarating sa bayan, humanap kami ng pay parking at dun pumarada,

Pati pag aalis ng helmet ay hindi siya magkandatuto kaya tinulungan ko siya,

Sinuot niya yung cap and mask niya para walang makakilala sakanya,

Wala naman ganong tao sa palengke dahil hindi naman peak season,

Nauuna akong maglakad at nakasunod lang siya pero maya maya ay sumabay siya sakin at hinapit ang bewang ko para malapit ako sakanya,

Nakahawak lang siya sa bewang ko, ako naman ay hindi mapakali lalo't nagiging center of attraction siya, kahit kase nakacover ang mukha niya, yung kutis at tangkad palang niya ay sobrang nakakatawag pansin na,

Nakakainsecure nga eh, mas maputi at flawless pa siya sakin,

Una kaming pumunta sa bilihan ng karne,

"Miss magkano ang isang kilo?", tanong ko dun sa tinderang panay pagpapacute kay Hoseok,

"230 po", pabebeng sagot niya,

"Fix na yon? Wala ng bawas?", tanong ko,

"Babawasan pa po natin yung price basta po ibigay niyo lang sakin yung contact number nung kasama niyo", kinikilig na sabi niya habang nagbbeautiful eyes pang nakatingin kay Hoseok na walang kaalam alam sa pinag uusapan namin dahil manghang mangha siya sa kadudutdut ng karne,

Hindi ako kumibo at inabutan siya ng 230, bigla pa nga siyang sumimangot eh, tss para sa sampung pisong tawad ibibigay ko number ni Hoseok sakanya?

"Thanks let's go jagi", sabi ko pagkakuha nung binili namin at hinila na si Hoseok palayo dun,

Next kaming pumunta ay sa bilihan ng manok,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now