JHOPEEEEEEEEEE (31)

68 3 8
                                    

"Sinabi na kasing hinay hinay lang uminom diba? Kala mo ang lakas mong uminom jan", sermon ko habang hinihimas yung likod niya dahil nandito kami sa cr, nagtatawag siya ng uwak,

"Uwaaaaaak! E-Eh hindi naman ako yung sinabihan mo ng d-drink moderately eh, S-ILA! Uwaaaaaak!", nagawa pa nyang magdahilan habang sumusuka,

"Lah! Eh malamang kasama ka sa iinom diba? Edi kasali ka sa binilinan ko", sabi ko,

Binigyan ko siya ng towel pagkatapos niyang maglabas, hays pati yata yung kinain niya pa nung isang linggo naisuka na din niya,

"Angel, tulungan mo nga ako si RM hyung nag aayang umuwi tapos nabunggo pa niya yung mga baso kaya mga nagkabasag", sabi ni JK pagpunta niya ng cr,

Hays nakakaloka, bakit uuwi pa eh di nga nila kaya, sarap pagbabatukan ng mga to,

At paglabas ko ng sala ay bumungad sakin ang mga basag na baso, at si Jimin awat awat si RM na palabas na ng pinto, mygoodness

Tapos yung dalawa knocked out na. Si Jin naman ay nasa isang tabi at mukhang malalim ang iniisip, halata mo ring may tama na, Mga sinagad kase yung pag iinom nila eh,

"RM, dito na muna kayo matulog, ihahanda ko yung guest room. Mga lasing na kayo di niyo na kayang umuwi pa", sabi ko saka ako lumapit at tinulungan si Jimin na ibalik si RM sa upuan nito,

"M-Magpoproduce pa ako ng kanta", sabi niya na akmang tatayo nanaman pero pinigilan namin ni Jimin,

"Sampolan ko kaya to si hyung baka matauhan", tatawa tawang sabi ni Jimin,

"Oo sasampolan din kita pag ginawa mo yun", sabi ko sakanya,

"Just kidding!", sabi niya habang napapakamot sa ulo,

Buti si Jimin di ganong tinamaan, malakas talaga tolerance niya sa alak di tulad ni-

"Isha pa! Ano? Mahihina pala kayo eh", gulat kaming napatingin kay Hoseok na may hawak pang bote ng alak,

Gegewang gewang siyang lumapit samin, mabuti nalang at nakaalalay sakanya si JK,

"Ipalo ko yan sayo gusto mo?", taas kilay na tanong ko sakanya,

"J-Jagi, inom pa t-tayo", nauutal na sabi niya,

"Nakakaloka Hoseok ah! Iinom eh halos wala ka na ngang maisuka jan!", sabi ko saka ako lumapit sakanya at inagaw yung boteng hawak niya,

"Angel pakipasok na nga si hyung sa kwarto", pakiusap ni JK,

Aaaargh puputi buhok ko sa mga to,

Lumapit ako sakanya at kinuha si Hoseok, iniakbay ko to sakin at saka ko inalalayan papuntang kwarto,

Bigat psh!

"Jagi are we okay na ba?", tanong niya habang hirap na hirap ko siyang inaalalayan papasok ng kwarto,

"What do you mean?", tanong ko,

"I know you're mad at me, and I don't know the reason", sagot niya,

Hanggang ngayon di mo pa din alam? Hays Hoseok di ko na alam gagawin ko sayo,

Di ko na siya pinansin, inihiga ko siya sa kama pero I make sure na hindi siya malapit kay Janeah dahil baka madaganan niya yung anak ko,

"I'll get you a coffee", sabi ko at tatalikod na sana pero hinila niya ko kaya napaupo ako sa kama,

"Tell me what's the problem?", tanong niya saka ako niyakap mula sa likuran,

"Bukas na natin pag usapan", sabi ko habang inaalis yung kamay niya sa bewang ko pero mas hinigpitan niya lang yung yakap,

"Juseyoooo!", malambing na sabi niya,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now