JHOPEEEEEEEEEE (61)

57 2 13
                                    

Iniwan ko si Hoseok at Janeah sa lodge para kunin yung kotse sa bahay dahil medyo malayo ang mall dito, at syempre para makapagbihis na din,

Nagsuot ako ng black ripped jeans and oversized white printed shirt na ibinubol ko ang laylayan and partnered it with white lowcut converse,

Inilugay ko yung maikling buhok ko at kinulot ng bahagya yung laylayan, then konting powder and matt red lipstick tapos kinuha ko yung sling bag ko at nilagay dun yung wallet at phone ko, and lastly konting pisik ng perfume. Kinuha ko na rin yung paperbag na pinaglagyan ko ng pambihis ni Janeah, di ko na siya sinama pauwi para doon ko nalang bihisan,

"Oh tita saan ka po galing?",pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong papasok ng bahay si tita,

"A-Ahm a-ano jaan lang", sagot niya,

Ayos lang ba siya? Why is she stuttering?

"Oh okay", yun nalang ang sinabi ko at nagpaalam na aalis na dahil baka naiinip na sila, tinanong niya ako kung saan ako pupunta at nasaan daw si Janeah kaya ikinwento ko sakanya yung totoo,

"Ayieeeeee! Nagkabalikan na kayo?", kinikilig na tanong niya,

"Ani! Ginagawa ko lang to para kay Janeah", sagot ko sakanya,

"Sus kaya pala nagpaganda ka pa para sakanya", pang iinis niya,

"Para sa sarili ko tita, ayoko namang pumunta ng mall na mukhang dugyot noh! Sige na ho mauna na ako at baka hinihintay na nila ko", sabi ko sakanya at tumalikod na,

Motor ang ginagamit ni Mark papasok kaya magagamit namin yung kotse. Sumakay na ako dito at nagmaneho na papuntang Haven,

Dumirecho agad ako papasok ng room ni Hoseok pagkapark ko ng kotse,

Pinagbuksan niya naman ako agad ng pintuan,

"Mommyyyy", tawag ni Janeah at lumapit sakin,

Ngumiti ako sakanya at inilabas yung damit niya,

"Magbihis ka na din", sabi ko kay Hoseok, ngumiti siya at tumango saka iniwan kami ni Janeah at pumuntang CR,

Sinuotan ko lang si Janeah ng red knee length cotton dress and partnered it with white doll shoes, ipinusod ko din yung long curly hair niya, hindi ko naman na siya kailangan paliguan dahil maaga siyang naligo kanina,

"Mommy I'm so happy", out of the blue ay sabi nito habang nilalagyan ko siya ng powder at pabango,

"Why baby?", nakangiting tanong ko,

"Because we're together na", halata ko sakanyang masaya nga siya kahit hindi niya sabihin,

Ngumiti nalang ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi, ginagawa ko lang to para sakanya, wala ng iba.

Ilang minuto lang ay lumabas na si Hoseok,

Nakasuot ito ng denim pants and gucci shirt, at nakasuot siya ng specs na bagay na bagay talaga sakanya, ang gwapo pa rin talaga niya walang kupas, amoy na amoy ko rin yung pabango niya, yun pa din yung amoy na kinaaadikan ko dati-

"Yieeee mommy you're staring at daddy", nagulat ako sa panunukso ni Janeah kaya napailag na ako ng tingin, juskong bata to.

"Let's go?", tanong ni Hoseok kaya tumango nalang ako, and I was to carry Janeah na pero nauna si Hoseok na buhatin to,

Isinuot niya yung cap niya at yung face mask niya, pero hindi pa ito nakacover sa mukha niya dahil ibinaba niya lang ito sa may chin part niya,

Sa hallway ay nakasalubong pa namin si Yoongi at RM na may dalang plastic bag, gulat sila nung makitang magkasama kami,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now