JHOPEEEEEEEEEE (23)

100 3 1
                                    

"Huy love birds gumising na kaya kayo no! Napupuno na ng langgam ang bahay", nagising ako sa lakas boses ni Ran,

Nakaupo siya sa sofa sa gilid kandong kandong si Janeah,

Nahihirapan akong makatayo dahil ang bigat ni Hoseok, nakadantay sakin yung isang paa niya tapos nakayakap naman yung isang braso niya,

At naiilang din ako kay Ran dahil topless si Hoseok, baka mamaya ano pa isipin ng madumi niyang utak,

"Jagi, gising na", sabi ko saka tinusok tusok yung pisngi ni Hoseok,

"Hmm", gumalaw lang siya ng konti pero hindi parin natinag,

"Anong oras na ba?", tanong ko kay Ran,

"10 o'clock na po kaya, anong oras ba kayo natulog ha? Kayo ha hindi pa nakakaisang taon si Ja- hehe joke lang to naman", hindi niya natapos ang pagbibiro niya dahil sinamaan ko siya ng tingin,

"Hoseok-ah gising na", sabi ko ulit saka inuga yung braso niya,

Unti unti niyang iminulat ang mata niya saka ako nginitian,

"Hmm goodmorning Jagi", sabi niya sabay hila sakin papalapit sakanya at niyakap ako at isinubsob sa dibdib niya,

Hmmmm ang bango talaga nito, mas mabango pa yata kay Janeah,

"Ehem!", napabitaw si Hoseok ng mapansing may nanunuod samin,

"Goodmorning Ran, goodmorning janeah", sabi ni Hoseok saka bumangon na,

"Magdamit ka huy", bulong ko sakanya,

Sinunod naman niya ako kaya kinuha niya yung tshirt niya kagabi saka isinabit sa balikat niya saka siya dumirecho sa kwarto para siguro kumuha ng panibagong damit,

"Anong nangyari sa lips nun? Ay ikaw Angel ah ikaw may kagagawan nun no?", biglang sabi ni Ran,

Anong ako?

"Hoy babae ako ba sumapak dun ha?", sagot ko sakanya sabay irap,

"Ay sa sapak ba niya nakuha yan? Akala ko sa ano eh hihi", kinikilig na sabi niya,

"Hays ewan ko sayo Ran kung ano ano naiisip mo, kumain ka na ba? Si Janeah nakadede na?", tanong ko sakanya habang nililigpit yung hinigaan namin,

"Oo kumain na ko, kayo kumain na rin dun, si Janeah kanina pa dumede pagkagising", sagot niya,

Pagkatapos kong magligpit pumasok na ko sa kwarto para magbihis at para din ayain ng kumain si Hoseok,

"Jagi kakain-", hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lumabas siya sa cr na tumutulo pa ang buhok at nakatapis lang ng towel sa baba,

Hoseok-ah bakit ganyan ka ka-hot? Natutukso ako ano ba?!

Nagakyatan yata lahat ng dugo ko sa mukha ko, tangin-

"Sige Jagi kainin mo na ko", sabi niya saka lumakad palapit sakin,

Kung ano ang hakbang niya palapit yun naman ang hakbang ko paatras,

"Waaaah tigilan mo ko Hoseok!", sabi ko, itutulak ko dapat siya palayo sakin pero parang nanghina ako nang dumikit sa stoned abs niya ang mga palad ko,

"Uuuuy", pang iinis niya pero nung bibitaw na sana ako ay wala na kong maatrasan dahil nasa likod ko na yung kama dahilan para ma out of balance ako kaya nahila ko siya,

So ang ending, napahiga ako sa kama tapos tapos- he is now on top of me,

Kyaaaaaaaaaah!

"Binitin mo ko kagabe eh diba? C'mon pay me!", sabi niya saka tinitigan ako ng nakakaloko at unti unting nilalapit sakin yung mukha niya,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now