JHOPEEEEEEEEEE (51)

66 2 6
                                    

(End of your oppa's POV)
-

"Papa!", umiiyak na habol ni Janeah,

"Yah Jaja he'll be back", saway ko at sinundan ko siya para pigilan sa paghabol,

"Don't cry darling, paano ako makakaalis nyan?" bumalik siya at hinawakan sa pisngi ang bata,

"Paano ka nga makakaalis nyan eh pabalik balik ka! Mark sige na malilate ka na, baka may naghihintay na sayong pasyente!", sabi ko saka ko binuhat si Jaja para hindi na to makahabol pa,

"Oo na mal aalis na, bye!", humalik siya sa pisngi ni Janeah at tumalikod na ulit,

"Sweetie, stop crying na okay? Babalik naman si papa mamaya eh, may kailangan lang siyang gamutin", sabi ko kay Jaja kaya nakanguso siyang tatango tango,

"Oh iha bakit umiiyak nanaman si Jaja?", tanong ni tita na kalalabas lang ng kwarto niya,

"Humahabol po kay Mark tita", sagot ko sakanya,

"Ah ganon ba osige, ikaw mag ayos ka na at bibisita ka pa sa Angel's Haven hindi ba?", tanong ni tita,

"Opo tita, madaming tourist ngayon kaya baka hindi magkandatuto tuto yung mga staffs ko sa lodge", nakangiting sagot ko at tumalikod na para makapag ayos.

Ang bilis ng panahon no? Akalain mong dalawang taon na ang nakalipas,

Dalawang taon na nung tinalikuran ko siya at wala na akong balak pang harapin siya ulit,

Dalawang taon na rin akong walang balita sakaniya, sakanila.

Dalawang taon na nung makaya kong alagaan at palakihin si Janeah sa tulong ng mga taong hindi ako iniwan at patuloy akong sinuportahan,

Dalawang taon na kaming malayo sakanya, we're living here in Basco, Batanes,

Pinili ko yung malayo sa syudad para kung sakaling hanapin niya kami ay hindi niya kami mahanap, pero asa namang hahanapin ako nun diba?

Dalawang taon na ring nasa tabi ko si Mark, siya ang tumulong sakin nung panahong hirap na hirap ako, nung panahong durog na durog ako, siya rin ang nagdala samin dito sa Batanes dahil may mga pag-aari sila dito,

Malaki ang pasasalamat ko kay Mark dahil kung hindi dahil sakanya ay baka patuloy pa rin akong binabalot ng sakit,

Kasama ko siyang magpalaki kay Janeah kaya parang siya na ang kinikilala nitong ama,

Nakabili nga pala kami ng space dito sa Batanes na ginawa naming tourist lodge, yun ang Angel's Haven, since marami ang nagtutour dito at may kalayuan pa ang mga hotel kaya naisipan kong magtayo nito,

Nakakatuwa nga at nakisama yung car business namin sa Bulacan dahil sa tulong ng kinikita nun ay naipatayo ko agad tong lodge and it's been 6 months since I started to operate it.

"Ouch!", nagulat ako nung paglabas ko ng kwarto ay may bumunggo sakin,

"Sorry sis, nahihilo na kase ako kakahanap kay Vern eh, nakita mo ba?", tanong nito,

Aba himala at siya na tong hanap ng hanap kay Vern ah parang dati lang halos ayaw niyang makikita to, at halos ipagtabuyan niya pag dumidikit sakanya,

"Hindi ko siya nakita sis nag aayos ako sa kwarto eh, baka pumunta sa Swynth", sabi ko sakanya,

Ang Swynth ay 2 shops na itinayo ni Cynth dito sa Batanes, ang isa ay bilihan ng mga sweet delicacies, at isa naman ay accessories na siya mismo ang nagdesign, madalas na nandun si Vern para samahan siya, kaya naisip ko na baka nauna na to dun,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon