JHOPEEEEEEEEEE (52)

63 2 2
                                    

Nagising ako nang makarinig ng malakas na katok,

Tinignan ko ang oras at alas sais palang ng umaga,

Sino ba tong nambubulahaw na to ke aga aga?

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin yung bestfriend kong mag iisang taon kong hindi nakita,

"Bes!", dinamba niya agad ako ng yakap matapos ibigay kay Paul ang anak,

Nung huling punta niya dito ay buntis siya, ngayon ay naisilang niya na ang isang malusog at gwapong gwapong batang lalaki,

Ran and Paul were happily married now, nung magbuntis si Ran ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si Paul at pinakasalan agad ito,

Mabuti pa sila, ako hindi na umaasa pang maikakasal ako sa tatay ng anak ko, at hindi ko na rin pinapangarap pa iyon,

Masaya ako para kay Ran dahil ramdam kong mahal na mahal nila ang isa't isa, at sana lang hindi iwan ni Paul si Ran dahil ayokong maramdaman ng kaibigan ko yung sakit na naramdaman ko.

"You look blooming, and bagay na bagay sayo yung new hairstyle mo bes bet na bet", nahiya naman ako dahil ayoko ng pinupuri,

Napahawak ako sa buhok ko, mas pinili ko na ang short hair ngayon hindi dahil sa nagmumove on pa rin ako hanggang ngayon kundi dahil gusto kong maiba man lang ang aura ng mukha ko,

"Alam ko na kung bakit blooming", ngingisi ngising sabi ni Paul habang nakatingin sa likuran ko,

"Goodmorning", nakangiting bati ni Mark,

"Goodmorning tol, mukhang hiyang na hiyang sayo si Angel ah", pambibiro ni Paul sakanya,

"That's not what you think", sabi ko kay Paul,

"Why? You're single and he's single so what's wrong? Don't tell me na nagsasama na kayo sa bahay pero wala pa rin kayong relasyon? Or don't tell me hindi ka pa rin nakakamove on?", natahimik ako sa tanong nito,

Gago talaga to minsan si Paul eh!

Nakamoved on na ko no! Alam kong nakamoved on na ko,

At porket ba magkasama sa bahay magkarelasyon na?

Hindi ba pwede magbestfriend lang, saka-

"We're not sleeping on the same bed, and we're having separate rooms", si Mark na ang sumagot,

Nakakatuwang kahit alam kong may gusto siya sakin ay hindi pa rin niya tinitake advantage yung pagkamalapit namin,

Never niyang pinaramdam sakin na ibalik ko sakanya yung nararamdaman niya, basta ang gusto niya ay hayaan ko siyang mahalin ako, okay na daw siya dun,

Hindi naman malabong mahalin si Mark, pero simula kase nung masaktan ako hindi ko na ulit alam kung paano ba magmahal,

Basta ang alam ko lang ay masaya ako dahil nasa tabi ko si Mark, masaya ako dahil ginagampanan niya yung pagiging tatay sa anak ko kahit hindi ko hinihiling sakanya,

Kung pwede ko lang diktahan yung sarili kong mahalin siya, pero paano? Hindi ko na alam kung paano.

Pinatuloy ko sila Ran, malaki namang tong bahay at may isa pang vacant room kaya dun ko sila patutuluyin,

Nagpaalam ako na maghahanda lang ng almusal, nag volunteer na tumulong sakin si Ran,

"Bes, wala pa ring namamagitan sainyo ni Mark?", napalingon ako sakanya,

"Ran, wala na kong panahon pa sa mga relasyon relasyon na yan, okay na kami ni Janeah, ayoko na ulit pumasok pa sa relasyon dahil ayoko na ulit makaramdam ng sakit", sabi ko sakanya habang pinagpapatuloy yung ginagawa ko,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now