JHOPEEEEEEEEEE (43)

60 2 20
                                    

"Bes, lumabas ka na dun, dahil lingkis na ng lingkis yung ahas sa tatay ng anak mo", sabi ni Ran pagkapasok ng kwarto,

Tinignan ko lang siya at ibinalik kay Janeah yung tingin ko,

"Huy ano ba? Hahayaan mo nalang?", taas kilay na tanong niya,

"Malaki na siya at may isip naman siya Ran, alam niya na yung tama kaya iiwas siya kung gugustuhin niya", seryosong sabi ko sakanya pero lumapit siya sakin at hinila ako,

"Tigilan mo ko sa pagmamatigas mo jan ah, halika na", sabi niya saka tuluyan na akong hinila palabas,

Napahawak agad ako sa braso ko ng salubungin kami ng malamig na hangin, ang lamiggg,

Nakabackless lace floral dress kase ako, wala akong balak lumabas kaya eto yung isinuot ko pero tong si Ran bigla nalang akong hinila,

Pinaupo niya ko sa gitna nila ni Jimin, naramdaman kong nakatitig sakin si Hoseok pero di ko siya pinansin nor tinignan,

Dito sila sa may labas nag iinuman, nakapalibot sa bonfire,

Nasa harap namin si Hoseok at Danica kaya sa gilid ako nakatingin dahil hanggat maaari ay ayoko silang makita,

"Sis, bakit ngayon ka lang?", tanong ni Cynth saka ako inabutan ng canned beer,

"Pinatulog ko pa si Janeah eh", sagot ko nalang kahit ang totoo ay napikitan lang akong lumabas dahil kay Ran,

"Look", bulong ni Ran, kaya di ko na napigilan ang mapatingin sakanila,

Napataas yung kilay ko ng makitang nakalingkis si Danica kay Hoseok habang nakasandal sa braso nito,

At talagang hinahayaan lang siya ni  Hoseok na gawin yun, tss napakagaling,

"Are you okay?" Biglang bulong ni Jimin, tinignan ko naman siya saka tinanguan,

Kunyare okay ako, kunyare hindi ko tinitiris si Danica sa isip ko,

"Guys why don't we play a game?", biglang sabi ni JK,

"What game?", tanong ni Jin,

"Spin the bottle with a twist, wait", sagot nito saka tumayo at pumasok sa loob,

Paglabas ni JK ay may bitbit siyang bote ng Sunset Rum and shot glass,

"You wanna die?", taas kilay na tanong ni Yoongi,

Sa pagkakaalam ko yung Rum na hawak ni JK ay naglalaman ng mataas na percentage ng alcohol. Jusko baka isang shot mo palang nyan hilo ka na,

Talagang handang handa siya ah mukhang dala na niya yun mula pa Korea,

"Hyung you're a hard drinker right, remember friendship is-", biglang sabi ni JK,

"Irish bomb", sagot naman ni Yoongi saka sila sabay na tumawa,

Himala wala pa silang tama pero napapatawa na nila si Yoongi,

"So what's the rule?",biglang tanong ni Hoseok,

"So as we all know kung sino ang matatapatan ng bottle, siya ay pipili kung truth or consequence, pero ang twist is pag di nagawa yung dare or hindi nasagot ay kailangan magshot nito", sabi ni JK saka ipinuwesto na yung bote atsaka sasalinan na sana yung shot glass para ihanda,

"What if, we'll use it instead?", singit ni Danica saka itinapon yung tubig mula sa baso niya at inaabot kay JK,

Ay wow yung shotglass nga baka mahirapan na kaming inumin eh tapos sa yung inuman pa ng tubig gagamitin, pabida amp,

"That's too big", sabi ni Jimin,

"As if you're not a hard drinker" mataray na sabi ni Danica,

"And as if we are all hard drinker here", tinarayan din siya ni Jimin kaya wala siyang nagawa at binawi nalang yung baso,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now