JHOPEEEEEEEEEE (36)

56 2 2
                                    

"SURPRISEEEEEED GUYS!", Sabi ni Cynth saka tuluyang pumasok habang hila yung maliit na pink maleta niya,

Lumapit naman agad sakanya si Jin at yumakap,

"I missed you babe!", sabi nito,

Siguro nawala sa isip niya na sira ang plano niya dahil napaaga ang punta ni Cynth,

"Noona? What are you doing here? Akala namin sa sunday pa ang dating mo?", tanong ni JK,

"Ahm di kase ko mapanatag dahil dun sa picture na nakita ko eh kaya napapunta agad ako dito, saka madami akong work sa Philippines kaya inagahan ko na dahil baka kung sa sunday ako umalis ay hindi kayanin ng schedule ko kaya pinush ko talagang makapunta agad agad", paliwanag niya,

So dahil pa din dun sa picture?

Lahat naman kaming nandun ay napatingin kay RM,

"Wae? Don't look at me like that", reklamo niya na akala mo napakainosente,

Nagtawanan nalang kami,

Inalalayan ni Jin na maupo si Cynth sa tabi niya at nag umpisa na kaming kumain lahat,

"You'll stay here hanggang anniversary niyo sis?", tanong ko,

"Ahm no sis, saturday lang babalik na ko ng Manila", sagot niya na mas nagpakumplikado sa plano,

Paano namin isasagawa yung plano kung wala naman si Cynth?

"So three days ka lang mag stay dito babe?", malungkot na tanong naman ni Jin,

"Yes babe", sagot nito saka ikinawit yung kamay niya sa braso ni Jin at isinandal yung ulo niya dito,

Halata mong namiss nila ang isa't isa,

"So how can you celebrate your anniversary?", tanong ni Yoongi,

"Pwede naman naming icelebrate ng maaga diba babe?", nakangiting sagot ni Cynth habang nakatingin kay Jin,

Nagkatinginan naman yung mga members,

Mukhang hindi umaayon ang tadhana sa plano ni Jin,

"Ani- I mean we have busy sched this following days babe so we can't celebrate it", sagot ni Jin kaya napataas yung kilay ko,

Wala naman silang sched ah?

Nag iba din yung reaksyon ng members, ano ba nasa isip ni Jin?

"Oh okay", nakasimangot na sabi ni Cynth, saka umayos na ng upo at pinagpatuloy ang pagkain,

Nang matapos kami kumain ay nagvolunteer kami ni Cynth na kami na ang magliligpit,

Si Janeah ay pinapatulog muna ni Hoseok sa kwarto niya dito sa dorm,

"Sis are you okay?" Tanong ko nung mapansing tahimik si Cynth,

"I'm just frustrated sis, di man lang namin masecelebrate yung anniversary namin", malungkot na sabi niya,

Sorry sis, may plano talaga si Jin eh pero ngayong napaaga punta mo di ko na alam kung ano na yung balak niya,

Sasagot palang sana ko nang pumasok sa kusina si Jin at yumakap kay Cynth mula sa likuran, at ipinatong yung ulo niya sa balikat nito,

Ehem, Hoseok puntahan mo ko dito,

"Babe are you mad at me?",rinig kong sabi ni Jin,

"No, I understand our situation naman eh, busy ka at busy ako kaya di natin magagawang magcelebrate, nalulungkot lang ako pero di ako galit sayo", sagot nito,

Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ng pinggan at kunyare wala akong pakialam sakanila,

"Anyways you still thinking about that photo babe?", biglang tanong ni Jin kaya napalingon ako sakanila,

You're My HOPE, I'm Your ANGEL 🖤 (COMPLETED)Where stories live. Discover now